Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 10
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 10 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 10: Matthew Gonzales
Eli’s POV
“sa tabi nalang” sabi ko kay Kei, kitang kita ko si Kuya na nasa labas, anak ng……. patay na naman ako nito.
Itinabi ni Kei ang kotse nya sa tapat ng bahay namin, kita ko namang tumingin si kuya sakin,
“is that your brother?” tanong nya habang nakatingin kay kuya, tumango naman ako,
“salamat nga pala sa pag hatid at sa binigay mo” sabi ko,
“its okay, let’s go” sabi nya at bumaba ng kotse, nagulat ako sa ginawa nya, bakit bababa pa sya? Anak ng patola talaga, dali dali akong bumaba at kitang kita ang reaksyon ni kuya na nagulat sya kay Kei,
Kinuha ko yung bag sa likod ng kotse ni Kei, pero si kuya. ganun padin ang reaksyon, di sya nagsasalita. Magkakilala ba sila?
“hi, I’m Keilah Gomez” dinig kong pakilala ni Kei,
“a-ahhh. Matthew, Eli’s brother” dinig kong sabi ni Kuya,
Lumapit ako kay Kei habang dala dala yung bag,
“Ahhh, salamat sa pag hatid, Kei” sabi ko kay Kei,
“it’s okay–” sabi nya, at tumingin kay Kuya,
“–sorry for making you worried about Eli” sabi ni Kei,
“No, it’s okay” sabi ni Kuya, bakit ang bait ni Kuya ngayon? Anong meron?
“I should go, bye Eli–” sabi nya saka naglakad papunta sa kotse, naglakad ako palapit kay kuya at tinitigan sya, nakatingin lang sya kay Kei, hmm. May naamoy akong mabaho. Inamoy ko sarili ko, ako nga. Ang baho ko, ganun na ba ako kakabado? Pinagpawisan ako grabe.
“–oh, by the way Eli, daanan kita bukas ha” sabi nya,
“huh?” tanong ko, bakit ako dadaanan?
“basta, I’ll text you. Bye” sabi nya at tuluyang sumakay ng kotse at nagdrive paalis, si kuya tulala padin, anong iniisip nito?
“kuya?” tawag ko sakanya at kumaway sa harap ng muka nya,
Nagulat ako ng magsalita sya,
“why are you with her?” tanong nya,
“diba sinabi kona sayo, sabi ko nasa bahay ako kanina ng kaybigan ko at si Kei yun, bakit ba?” tanong ko,
“bakit ka sumama sakanya?” tanong nya,
“kasi kaybigan ko sya, bakit ba kuya?” tanong ko, anong meron kay Kei, ang OA ni kuya ngayon ha sarap batukan, joke.
“nothing” sabi nya at pumasok sa loob ng bahay,
Anong trip non sa buhay? Ang gulo kausap.
Pumasok narin ako sa bahay, at dumiretso sa kwarto ko, inilapag ko yung bag na may lamang mga gamit na binigay sakin ni Kei,
“nakakaloka, anong gagawin ko dito?” bulong ko, makapagbihis nga muna, pumunta ako sa banyo para makaligo nadin, ang baho ko na eh. Si kuya kasi pinakaba ako.
*************
Para sa iba pang kaalaman:
Si Matthew Gonzales na kapatid ko ay kanang kamay ni Lucifer. Baka nga pumalit pa kay Lucifer kapag nagalit. Kaya di ko ginagalit. HAHAHAHHA
**************
Don’t forget to like and follow me