Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 137
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 137 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 137:
Eli’s POV
Nasa kotse nako at iniintay nalang si kuya,
Biglang nagvibrate ang phone ko,
Honey,
You okay now?
Wala ako sa mood. Pinatay ko ang phone ko at pumikit. Bakit feeling ko bumabalik na sakin ang mga alaalang nawala sakin dati? Lagi kong napapanaginipan si papa, at isa isang nabubuo ang storyang matagal kong hinanap. Ang mga nangyari sakin dati bago ako nawalan ng memorya.
Naramdaman kong bumukas ang pinto kaya iminulat kona ang mata ko.
“you okay now?” tanong ni kuya, tumango naman ako.
“let’s go home, para makapagpahinga kana” sabi ni kuya at nag drive na.
************
Nasa kwarto ako at nagpapahinga. Hindi parin mawala sa isip ko yung mga nangyayari. Paano nga kung bumabalik na ang mga ala-ala ko. Tinanggal ko ang case ng cellphone ko at kinuha ko ang picture ni papa.
“kamusta kana kaya ngayon?” bulong ko. Nag simula nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan, kusa silang tumutulo. Pumikit nalang ako at sumandal sa unan. Para kahit papano malessen ko yung sakit.
***************
“GOODMORNING!” nagulat ako sa sumigaw.
“hoy Kei, anong ginagawa mo dito?” tanong ko at pumikit.
“it’s today! The pageant is today!” sigaw nya at hinigit ang kumot ko.
“hoy ano ba” sabi ko at nagtalakbong ng unan.
“wakey wakey Elijah” gising nya sakin at hinigit ang unan ko,
“inaantok pa akoooooo” sabi ko at dumapa.
“hindi ka babangon o kukurutin kita?” tanong nya, agad akong umupo.
“bakit ba kasi?” tanong ko habang nakapikit.
“ngayon na nga yung pageant kaya maligo kana!” sigaw nya,
“diba bukas pa yon?” tanong ko at nakapikit padin. Inaantok ako. Sobraaaaaaaaa.
“it’s August 28 today ELIJAH! kaya gumising kana!” sigaw nya, nanlaki naman ang mata ko. Tiningnan ko ang phone ko. AUGUST 28 NA NGA!
“maliligo lang ako” sabi ko at dumiretso sa banyo.
************
Kei’s POV
I’m about to leave her room when i saw a something na nasa kama nya. Lumapit ako at tiningnan. Napahawak ako sa bibig ko.
“It’s true. Eli and Nicole are sisters” bulong ko at umalis na ng kwarto nya.
“so? Did you wake her up?” tanong ni Matt. Tumingin ako sa kanya. Alam nya rin kaya?
“what?” tanong nya,
“nagising kona sya” sabi ko at nilagpasan sya. Umupo ako sa sofa.
“I’m readyyyy” sabi ni Jasmine dala dala ang mga make ups na gagamitin namin para kay Eli,
“yung mga damit ba nasa kotse mo na Keilah?” tanong sakin ni tita, tumango naman ako.
“yes po” sabi ko,
“where are the boys?” tanong ni tita,
“we’re here” napatingin kami sa pumasok. Kumpleto sila, si Kyle, Kanji, Timothy at my loves. Hakhak! Ang landi ko.
***************
Don’t forget to like and follow me