Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 141
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 141 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 141:
Eli’s POV
Tapos na kami mag model at pagpapakilala na ang kasunod.
“Online vote is now open. Vote for your Lakan and Lakambini” sabi ng isang host.
“just a reminder. One lakan and one lakambini lang ang pwedeng iboto” sabi ng isang host.
“Now let’s call on our candidates, let’s start on candidate number 1” sabi ng host. Nag lakad na ang candidate number one at nagpakilala.
Maya maya ay sumunod na si babaeng paso.
“Nicole Oriondo, ang Ms. Tondo ng section alpha!” pakilala ni Nicole. Nagpalakpakan naman ang mga tao, pagkatapos ay sumunod na ako. Naglakad ako at pumunta sa unahan.
“WOAHHHHH!!!” sigaw nila Kyle at itinaas ang banner na ginawa nila para sakin. Nandun ang muka ko at may nakalagay na ‘Go Elijah, Kazoku for the win’.
“Elijah Gonzales, ang Ms. Calamba ng section alpha!” pakilala ko,
“WOAHHHHHH!!!” sigaw nila Kyle.
“KAZOKU FOR THE WIN!”
“KAZOKU FOR THE WIN!”
“KAZOKU FOR THE WIN!!!!” sigaw nila, ngumiti ako at naglakad papunta sa tabi ni babaeng paso.
“you think you can win over me?” dinig kong tanong nya.
“bakit naman hindi diba” sabi ko,
“nakuha mo lang si Kyle naging ganan kana. Ang yabang mo” sabi nya,
“oh wag ka iyak” asar ko,
“remember this Elijah Gonzales. Nakuha mo si Kyle but you won’t have the crown today. Because I’m going to be the queen” sabi nya,
“bla bla bla. Ang dami mong sinasabi. Takot ka naman sakin” sabi ko,
“bakit naman ako matatakot sayo? Sino kaba para katakutan ko?” tanong nya,
“bakit hindi mo tanungin yan sa sarili mo. Bakit ka nga ba takot sakin?” tanong ko.
*************
Habang nagpapakilala ang ibang candidate napalingon ako sa mga tao. Sobrang daming tao. Habang nag lilibot napatigil ang mata ko sa isang taong mukang pamilyar. Parang kilala ko sya. Saan ko nga ba sya nakita? Teka. Kilala ko nga sya! Sya yung kumidnap sakin! Hindi ko sya pwedeng makalimutan. Tandang tanda ko ang muka nya. Teka bakit sya nandito?
*************
Don’t forget to like and follow me