Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 152
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 152 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 152:
Eli’s POV
Kasama ko ngayon si Kei, nasa tapat kami ng locker namin. Mag katabi lang kasi ang locker namin. P.E. namin ngayon kaya mag papalit kami ng damit.
“wala padin si Kanji?” tanong ko,
“wala eh, hindi ko alam kung bakit biglang umalis yun. Wala manlang syang sinabi” sabi ni Kei, pagkatapos kami naming kumain noong pageant. Umalis sya at di na bumalik. Wala manlang syang pinagsabihan kung saan sya pupunta.
Flashback……
“cheers!” sigaw ni ate, nag cheers kami ng baso. Juice lang ang pwede kong inumin dahil di naman ako umiinom ng alcohol. Napainom lang naman ako dati dahil sa bwisit na si Kyle.
“congrats kay Elijahhhh. Ang Ms. Lakambini 2020” sabi ni Kei, na nakakaiyamot kasi paiyak na.
“yan nako naiyak na” sabi ni Kanji,
“HAHAHAHAHA, bakit kaba umiiyak? Para kang tanga” sabi ni mama na maluha luha nadin.
“hala nakakainis kayo” sabi ni ate na paiyak nadin. Okay. Boang sila.
“okay, I’m so thankful sa inyo girls. Kayo ang dahilan kaya naabot to ng anak ko. I’m so thankful” sabi ni mama at umiyak na. Nag yakapan ang tatlo. Nagkatinginan kami ni Kuya, okay. Pareho kami ng reaksyon. Hahahaha
“oh my god. Yung make up natin matatanggal” sabi ni Ate at nag pawi ng luha. Ganun din sila mama,
“Let’s enjoy this day! This is the beginning! Hoooo!” sigaw ni Mama, tumawa naman kami. Parang walang anak si mama kung umasta.
Kumain lang kami ng kumain. By the way, nasa Takahashi Prime kami. Si Kanji tuloy ang nanlibre, pero ang sabi ni Kyle ililibre nya ako mamaya. HAHA!
Habang nakain may isang lalaking lumapit kay Kanji, may binulong ito sakanya at nakita kong tumango naman si Kanji.
“Excuse me” sabi ni Kanji at tumayo,
“saan ka pupunta?” tanong ko,
“i need to do something–” sabi nya at tumingin kila mama.
“–enjoy your meal” sabi nya at umalis na.
End of flashback….
“let’s go” sabi ni Kei, pumasok na kami sa ladies comfort room. Pumasok na ako sa isang cubicle sa kabila naman si Kei. Nag palit na kami ng damit.
“So do you heard anything about queen?” dinig kong tanong ng isang babae. Bakit pamilyar?
“which queen?” tanong ng isang babae.
“Nicole of course” sagot ng isang babae. Teka mga puppet ata to ni babaeng paso.
“nothing, simula ng pumalpak yung plano natin kay Elijah. Hindi na nya akong tinetext or call” sagot ng isa. Teka. Plano? Lumabas ako ng cubicle. Halata namang nagulat sila.
“anong plano?” tanong ko,
“w-what are you t-talking about?” tanong ni Kim,
“Answer her” sabi ni Kei na lumabas din ng cubicle.
“i don’t know what your talking about” sabi ni Kim, tumingin ako kay Kei, sinarhan nya ang pinto ng comfort room. Nag cross arms ako at tiningnan sila ng diretso.
“sasagot ba kayo o hindi?” tanong ko,
************
Don’t forget to like and follow me