Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 159
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 159 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 159:
Eli’s POV
Nasa hallway kami ngayon ni Kim, nasa parking area na sila Kei at Kyle, si Timothy naman sinundo ng butler nya, si Albert naman nauna na, may lakad daw kasi sya.
“Ms. Eli!” Napatingin ako sa tumawag sakin.
“Bakit?” Tanong ko,
“Sino po ang mangongolekta ng mga contribution?” Tanong nya,
“Oonga ‘no….ahmm….si Kim nalang” sabi ko at humarap kay Kim.
“Kaya mo ba?” Tanong ko,
“Sure” sabi nya at ngumiti.
“Kelan po ba pwedeng magbayad?” Tanong ng kaklase namin,
“Bukas, para alam narin ng iba” sabi ko,
“Sige po, thank you Ms. Eli” sabi nya at umalis.
“Bakit ang bilis mong pagkatiwalaan ako?” Tanong ni Kim sakin,
“Hindi madaling magtiwala pero alam kong di mo sasayangin ang tiwala ko sayo” sabi ko at ngumiti.
“Let’s go!” Sigaw ni Kei, naglakad kami papalapit sakanila. Sinalubong ako ni Kyle at hinawakan ang kamay ko.
“Ako na bahalang mag hatid kay Eli ha, byeeee” sabi ni Kyle at hinigit ako.
“Hoy, tek– wait..whattt?” Hindi ko alam una kong sasabihin, tiningnan ko sila Kei pero wala silang ginawa kundi kumaway.
“Hop in” sabi ni Kyle at binuksan ang pinto ng kotse nya. Teka bakit nandito ang kotse nya?
“Pinadala ko kay Butler Ruben” sabi nya, tiningnan ko sya,
“Sumakay ka nalang” sabi nya at niyuko ang ulo ko. Sumakay ako sa kotse, sinarhan nya ang pinto at umikot para sumakay.
“Saan tayo pupunta?” Tanong ko,
“Basta” sabi nya at ini-start ang engine.
“Saan nga?” Tanong ko, nagsimula na syang mag drive at di ako sinagot.
“Isa.” Seryosong bilang ko, Pero di padin sya sumagot.
“Dalawa. Kapag ito umabot ng tatlo–” nagulat ako ng halikan nya ako.
“Can you please calm down. Relax, wala akong gagawing masama sayo. Unless you want me to” sabi nya, nagsimula na ulit syang mag drive.
“Bakit ba lagi kang nanghahalik?!” Sigaw ko,
“Ouch, easy pretty baby” sabi nya habang hawak hawak ang tenga nya.
“Kyle Gomez” seryoso kong tawag sa pangalan nya.
“Okay, i told you already. I like you, No i mean i love you” sabi nya,
“Ang landi mo” yun lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ikaw kayang sabihan ng isang Kyle Gomez ng i love you tingnan ko lang kung di ka matanga.
“Atleast sayo lang lumalandi” sabi nya,
“Bwisit ka” sabi ko,
“I love you” sabi nya. Umiwas ako ng tingin, tanginaaaaa di kona mapigilan ang kilig ko!
“I know your blushing” sabi nya,
“Ang kapal ng muka mo” sabi ko,
Kei’s POV
“You better not mess up, Eli is my bestty, you better not broke her trust” sabi ko kay Kim.
“I won’t” sabi nya,
“Anong pinag-usapan nyo kanina?” Tanong ko,
“Sinabi nya lang sakin na ako na ang bahala sa pangongolekta ng contributions, that’s all” sabi nya. Tumango ako.
“Good, better not disappoint us. Alam mo kung saan ka pupulutin kapag may nangyaring masama kay Eli” banta ko at ipinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.
“Relax Keilah, tinanggap ako ni Eli at hindi ko sasayangin yun” sabi nya at bumaba ng kotse ko, ibinaba ko ang bintana ng kotse ko.
“You better be” sabi ko, humarap sya sakin at kumaway.
“Byeee” sabi nya, nagdrive nako paalis.
************
Don’t forget to like and follow me