Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 175
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 175 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 175:
Eli’s POV
nasa kwarto ako ngayon, naalala ko yung nangyari kanina.
*dug *dug *dug *dug *dug *dug *dug
“Ahhh….bakit ganito?” Tanong ko at gumulong sa kama. Tumingin ako sa kisame.
“Paano kaya kung natuloy yung kiss namin kanina? Edi makikita yun ni Kei. Nakakahiyaaaaa” sabi ko at nagtalakbong ng kumot.
“Ahhhhhh!!!!!” Sigaw ko,
“Eli? Anong nangyayari?” Nagulat ako ng bigla kong narinig ang boses ni mama. Tinaggal ko kumot sakin at tumingin kay mama.
“Ahh….wala po ma” sabi ko at ngumiti ng alanganin.
“You sure?” Tanong nya. Tumango naman ako.
“Okay” sabi nya at lalabas na. Huminga ako ng malalim.
“By the way, nandyan si Kyle. Hinahanap ka” sabi ni mama, nanlaki ang mata ko.
“Po?!” Sigaw ko,
“Hi pretty baby” sabi ni Kyle pag silip.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko,
“Nothing, i just miss you” sabi nya at umupo sa kama ko. Tumingin sya kay mama na para bang nag uusap sila ng hindi nag sasalita.
“I’ll leave the door open. DO NOT CLOSE IT” sabi ni mama,
“Sure tita, wala naman po akong gagawing masama kay Eli” sabi ni Kyle at ngumiti. Tumango naman si mama. Tumingin sya sakin at tinaas baba ang kilay bago umalis.
Tumingin sakin si Kyle. At ngumiti. ANG CREEPY!
Dahan dahan syang lumapit sakin.
“Rawr!” Sabi nya at hinawakan ng paa ko.
“AHHHH!”
**************
Kei’s POV
“Asan na ba si Elijah at Kyle?” Tanong ko kay Matt. Nasa labas kami ng bahay nila at iniintay lumabas si Elijah at Kyle. Naadjust ang schedule ng event na gaganapin kaya napag isipan kong mag overnight nalang samin si Elijah. Nag volunteer si Kyle na sya na daw ang susundo kaya pinayagan ko, moment din nila yon HAHAHAHAHA.
“I don’t know” sabi ni Matt.
“Agree kaba na maging sila?” Tanong ko
“What do you mean?” Tanong nya.
“Alam naman ng lahat na may gusto si Kyle kay Eli, at may gusto si Eli kay Kyle. Ang harsh naman kung hindi ka papayag diba?” Sabi ko at ngumiti ng patago.
“I Don’t know, maybe or maybe not” sabi nya.
“AHHHH!” nagulat kami ng biglang sumigaw si Elijah. Tumakbo kami papasok ng bahay nila Matt at umakyat papunta sa kwarto ni Eli.
Eli’s POV
“AHHHH!” Sigaw ko at sinipa sya. Napalakas. NAPALAKASSSSS!!!!!!
“What happened?!” Sigaw ni Kuya,
“Eli!” Sigaw ni…..
“Kei? Anong?–” hindi kona tinapos ang sasabihin ko at tiningnan si Kyle.
“Aray” sabi ni Kyle at nawalan ng malay.
Nataranta kaming lahat, dali dali akong tinakbo papunta kay Kyle. Tinapik tapik ko ang muka nya para gisingin pero wala. Ayaw nyang magising.
“Jusko! Anong nangyari?” Tanong ni mama.
“Mama ice, iceeeee!” Sigaw ko, umalis si mama para kumuha ng yelo.
“Ano bang nangyari?” Tanong ni Kei at tinulungan si Kuyang buhatin si Kyle. Hindi ako umimik at tinulungan sila. Inihiga namin si Kyle sa kama ko.
Jusko. Ang tanga mo Elijah!!!!
**************
Don’t forget to like and follow me