Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 18
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 18 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 18: “You’re beautiful”
Eli’s POV
nasa kwarto ako at nagbibihis ng uniform, nasa baba na kasi si Kei, nang maayos na ang lahat ay lumabas nako sa kwarto at bumaba,
“Kei” tawag ko kay Kei, nagcecellphone kasi sya, pinatay na yung cellphone nya at lumapit sakin,
“tara na” sabi nya at ngumiti, anak ng. Wag mo sabihing lalagyan mo na naman ako ng kolorete.
Hinigit nya ako papunta sa kwarto at pinaupo ulit sa kama ko,
“hold still” sabi nya at may hawak na parang kutsilyo, ewan ko kung ano yun,
“ano yan?” tanong ko,
“basta, pumikit ka nalang, wag ka malikot ha, kundi tanggal lahat ng kilay mo” sabi nya, nanigas ako sa sinabi nya. Kilay ko? Takte. Ang ganda ganda ng kilay ko tapos aahitin nya,
“wag ka malikot” sabi nya, pumikit naman ako at naramdaman kong tinatabas na nya ang kilay ko, jusko inday! Ang kilay ko.
**********
“patingin” sabi nya, minulat ko naman ang mata ko at titingin sana sa maliit na salaming hawak ko pero pinigilan ako ni Kei,
“mamaya mo tingnan, di pako tapos” sabi nya at may kinuha na parang lapis, yung ata yung nilagay nya sa kilay ko kahapon,
“wag ka malikot ha” sabi nya at drinowingan na naman ang kilay ko, ang kapal kapal na ng kilay ko tapos guguhitan mo lang?! Aba! Ikaw bahala, pag gumalaw ako edi lalo akong pumanget diba.
*************
Kung ano ano pa ang nilagay nyang kolorete sa muka ko,
“tapos na” sabi nya, tiningnan ko naman ang sarili ko sa maliit na salamin, grabe. Mas gumanda pa ako kesa kahapon. Ang galing ni Kei,
“tara na pumasok” sabi ni Kei at tinago yung mga make up, tumayo naman ako para ayusin yung palda ko na sobrang iksi, kung di ko pa nasasabi sa inyo, yung uniform namin ay long sleeve at maiikling lightbrown na stripe na palda, na sobrang nakakaiyamot dahil konting galaw lang ay kita na ang pwet. Jusq naman.
Bumaba na kami sa kwarto ko at lumabas ng bahay, sumakay na kami sa kotse nya at nagdrive na sya papunta sa school,
Hindi ko mapigilang mapatingin sa reflection ko sa cellphone, grabe ang ganda ko talaga. Sobrang bago. Sobrang iba sa dating Eli.
“you’re so beautiful” sabi ni Kei, napangiti naman ako sa sinabi nya,
“salamat sa pag aayos sakin Kei, atleast sa ginagawa mo napapataas mo ang self esteem ko” sabi ko,
“hindi ako nag papataas ng self esteem mo Eli, kundi ikaw. You’re beautiful basta maniwala kalang sa sarili mo” sabi nya,
Ang swerte ko talaga dahil naging kaybigan ko sya. Sobrang bait nya, nung una nahihiya pa ako dahil ang pangit ko tapos ang ganda nya, pero ngayon. Pinapaganda nya ako at sobrang saya ko dahil dun.
**************
Don’t forget to like and follow me