Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 189
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 189 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 189:
Jasmine’s POV
“Nako Jasmine, napaka OA ng si Matthew” sabi ni Tita.
“Tita, calm down. Alam mo naman si Matt, mahal na mahal non si Elijah” sabi ko,
“Jasmine, how many times do i have to tell you na Mama na ang itawag mo sakin” sabi nya, ngumiti ako at tumango
“Yes po, Mama” sabi ko,
“She’s here” napatingin kami sa nagsalita.
Eli’s POV
“Elijah” tawag sakin ni mama. Lumapit sya sakin at Niyakap ako.
“May sasabihin sya” napatingin ako kay Kuya. Tumingin sakin si mama ng may pagtataka. Lumayo ako kay mama at hinawakan ang kamay ni Kyle,
“Ma, Kuya, Ate, si Kyle ulit, boyfriend ko” sabi ko at pumikit. Ready nako sa mga sumbat nila. Go ibigay nyo na lahat.
“KYAHHHHH!!!!!” napamulat ako nang umirit sila mama.
“WAGI TAYO!!!” sigaw ni Mama at nagtatatalon sila ni ate. Napatingin ako kay Kuya na masama ang tingin sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumayo sya at lumapit sakin.
“Let’s talk” sabi nya at umakyat. Napatigil sila mama sa pag tatalon at pag irit. Tumingin silang lahat sakin.
“Wait lang” sabi ko kay Kyle at binitawan ang kamay nya. Sumunod ako kay Kuya paakyat.
Pumasok ako sa kwarto nila kuya. Nakatayo lang sya at nakatalikod.
“Close the door” seryosong sabi ni Kuya. Sinarhan ko ang pinto at lumapit sakanya. Nagulat ako ng yakapin nya ako.
“I’m not mad. I’m just worried” sabi nya. Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako.
“Paano kung mapahamak ka na naman dahil kay Kyle?” Tanong nya.
“Kuya naman” sabi ko,
“Ayos lang sakin na mag boyfriend ka, ayoko lang na masasaktan ka at makikita kang umiiyak dahil sakanya. I love you so much, and hindi ko alam ang magagawa ko kay Kyle kapag nasaktan ka dahil sakanya” sabi ni kuya, niyakap ko sya.
“I love you too, kuya” sabi ko,
“Teka nga” sabi nya at nilayo ako sakanya.
“Bakit ka nga pala nag lasing?” Tanong nya,
“Ah……kasi” sabi ko at napakamot.
“Elijah, ano nga?” Tanong nya.
“Gawa kasi nakita ko si Kyle at Nicole. Magkakiss–” sabi ko,
“What?!” Sigaw ni Kuya
“Pero nagpaliwanag sya sakin Kuya” sabi ko,
“Na ano?” Tanong nya.
“Na si Nicole ang humalik sakanya” sabi ko,
“Elijah–” agad kong pinutol ang sasabihin nya.
“Kuya. Mahal ko si Kyle, malaki ang tiwala ko sakanya. Kaya please, pagkatiwalaan mo din sya” sabi ko, tumango naman sya
“Tara na” sabi ko at nauna ng lumabas.
************
3rd person’s view
“Maupo ka muna” sabi ni Clariss kay Kyle. Umupo naman si Kyle habang iniintay si Eli, lumapit si Clariss at Jasmine kay Kyle.
“Kapag nasaktan ang anak ko ng dahil sayo matitikman mo ang lakas ng isang Clariss Gonzales” pananakot ni Clariss kay Kyle.
“Tita, i love you daughter. I won’t hurt her. Trust me” sabi ni Kyle. Nagkatinginan sila Jasmine at Clariss.
“Ahhhh!!!” Irit ni Clariss.
“Ikaw na nga! Ikaw na ang para sa anak ko” sabi nya at nagtawanan.
“So paano ka nya sinagot?” Tanong ni Jasmine.
“Nanligaw kaba? Easy to get ba yung anak ko? Ikwento mo bilis” sabi ni Clariss at umupo sa tabi ni Kyle.
“I offered her a deal. Kung mahal nya ako edi maging kami. Kung hindi edi hindi” sabi ni Kyle.
“So pumayag ang anak ko?” Tanong ni Clariss. Tumango naman si Kyle.
“Yun na yon? Walang ligaw ligaw? Kayo na agad?” Tanong ni Jasmine, tumango ulit si Kyle.
“Ay nako. Easy to get nga” sabi ni Clariss.
“I want to court her for the rest of her life” sabi ni Kyle. Napatigil naman si Clariss at Jasmine. Pigil na kilig ang naramdaman ng dalawa.
“Nakakaloka” sabi ni Clariss.
“May paganon naman pala ang Fafa Kyle natin” sabi ni Jasmine. At tumawa.
***************
Don’t forget to like and follow me