Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 221
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 221 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 221:
Eli’s POV
Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga at nakatingi sa kisame. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina.
Flashback……
“Let me say, You look so beautiful in our wedding day” kanta nya sabay tigil ng pagsasayaw namin. Hindi ko mapigilang hindi sya titigan. Hinawakan nya ang baba ko at hinalikan ako. Humiwalay sya sakin at tinitigan ako.
“I love you” sabi nya at hinalikan ulit ako.
End of flashback…..
“POTAAAAA!” nagtalakbong ako ng kumot ko at nagpapadyak.
KINIKILIG AKO TUWING NAAALALA KO!!!!
“PUNYETA KA KYLE GOMEZ. ANO BANG GINAWA MO SAKINNNN?!” Sabi ko. Kinikilig padin ako!
Tinanggal ko ang kumot ko. Nagulat ako nang makita si Kuya, Ate at Mama.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ni mama.
“Anong ginawa sayo ni Kyle?” Tanong ni Kuya.
“Wala, Walang ginawa sakin si Kyle. Bakit ba kayo nandito?” Tanong ko at umupo.
“Sis, nagsisisigaw ka. Akala namin kung ano ng nangyayari sayo” sabi ni ate,
“Bakit kaba kasi nagsisisigaw?” Tanong ni Mama, teka. Sasabihin ko ba na nag kiss kami ni Kyle? POTAAA!!!
“Tita?” Napatingin kami sa pumasok sa kwarto ko. Si Kyle. ANONG GINAGAWA MO DITO?!!!
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Kuya kay Kyle.
“Wala kasing tao kaya pumasok na ako, bakit? Anong nangyayari?” Tanong ni Kyle at lumapit samin.
“Tinatanong si Eli” sabi ni Mama, tumingin silang lahat sakin.
“Kasi…..kasi….–” pinutol ni Kuya ang sasabihin ko,
“Ano?” Tanong ni Kuya,
“Kasi may utang sakin si Kyle!” Sigaw ko,
“Utang?” Tanong ni ate,
“Nangutang sayo si Kyle?” Tanong ni Mama,
“Nangutang ako sayo?” Tanong ni Kyle,
“Oo, nakalimutan mo agad?” Tanong ko at kung ano anong expression ang ginawa para lang malaman nya na naggagawa lang ako ng dahilan. MAKARAMDAM KA!!!!
“A-ahh oo, oonga pala. Nangutan po ako sakanya ng halik– i mean pera, pera po” sabi ni Kyle. Madudulas pa! POTEK!!! tumingin ako kila kuya, maniwala kayo. MANIWALA KAYO!!!!
“Magkano?” Tanong ni Kuya,
“1500” sabi ni Kyle.
“Walang gan–” hindi na sya pinatapos ni mama.
“Hayaan mo na Matt. Aalis ba kayo?” Tanong ni mama kay Kyle.
“Hindi po. Namiss ko lang si Elijah kaya pumunta ako dito” sabi ni Kyle. Wag kang kikiligin self! WAG KANG KIKILIGIN!
“Kinikilig ka” sabi ni Mama, tumingin kami sakanya.
“Wag mo ng pigilan anak. Dumaan din ako sa ganang stage. Isa din ako kireng keng dati haha! Naalala ko pa ang mga naging katipan ko. Tara na nga, hayaan na natin sila HAHA!” tawa ni mama at hinigit si kuya at ate palabas.
“Wag nyo sasaraduhan ang pinto ha” bilin ni mama at umalis na sila.
“Pst” tawag sakin ni Kyle, tiningnan ko sya ng may pagtataka.
“I’m lowbat” sabi nya, nagpoker face ako.
“Pumunta ka dito para lang sa kiss?” Tanong ko, ngumiti sya habang tumatango.
“Ayoko, umuwi kana. Ampanget mo” sabi ko at nagtalakbong ng kumot.
“Sayang, may gummy bears pa naman akong dala” agad kong tinanggal yung kumot nang marinig ko yun pero mali. Nasa tabi ko na sya kaya agad nya akong nahalikan.
“I’m full charge” sabi nya, hinampas ko sya sa braso.
“Akin na nga yang gummy bears ko, umalis kana” sabi ko at nagtalakbong ulit ng kumot. KINIKILIG AKO! KINIKILIG AKO!!!!!!
“Hatid mo ako sa baba” sabi nya at kinulbit ako ng kinulbit.
“Oona!” Sigaw ko at hinigiti sya palabas ng kwarto.
“Ano?” Tanong ni mama,
“Aalis na si Kyle” sabi ko at bumaba ng hagdan.
“Bye Tita” sabi ni Kyle habang kumakaway kila mama, lumabas na kami ng bahay,
“Umuwi kana” sabi ko, papasok na sana ako pero hinigiti nya ako sabay yakap.
“I love you” sabi nya at mas hinigpitan ang yakap sakin. Hindi ko mapigilang yakapin sya pabalik. Napakasweet nya SOBRA! nakakatopak lang dahil nakakaasar sya minsan.
*************
Don’t forget to vote and follow me