Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 228
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 228 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 228:
Eli’s POV
“WAG KANG LALAPIT!” sigaw ko,
“What? What happened?!” Sigaw ni Kyle, agad ko syang tinulak. Bumagsak sya sa kama sa sobrang lakas ng tulak ko, inilibot ko ang paningin ko. Teka, nanaginip ba ako?
“Aww, ano bang nangyayari? Ang sakit” dinig kong sabi ni Kyle, tinulungan ko syang bumangon.
“Sorry” sabi ko,
“What happened?!” Nagulat ako nang pumasok si kuya at may hawak hawak na baseball bat.
“Anong nangyayari?” Tanong ni ate, binuksan ni ate ang ilaw at tiningnan ang nangyayari.
“Ang anak ko!” Sigaw ni mamang kakapasok lang din.
“Ano bang nangyayari?” Tanong ni Kyle habang hawak hawak ang braso nya.
“Nanaginip kasi ako” sabi ko,
“Sumigaw ka kasi nananaginip ka?” Tanong ni ate, lumapit silang tatlo sakin. Tumango ako.
“Same nightmare?” Tanong ni Kuya, umiling ako.
“Tungkol kay Kyle” sabi ko at tiningnan si Kyle, itinuro nya ang sarili nya at tumingin sakin ng may pagtataka.
“Ako? Napanaginipan mo ako?” Tanong nya, tumango ako.
“Anong panaginip?” Tanong ni Mama, nagflashback sakin yung panaginip ko. POTEK! Bakit ba naman kasi ganon ang panaginip ko?!
“You’re blushing” sabi ni Kuya, nanlaki ang mata ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
*Bibibibeep *bibibibeep
Pinatay ko ang alarm ng phone.
“Hindi ka ba uuwi?” Tanong ko kay Kyle. Umiling sya,
“Paano ang mga gamit mo?” Tanong ko,
“Nasa kotse” sabi nya,
“Asan ang kotse mo?” Tanong ko,
“Nasa bubong” sabi nya, tiningnan ko sya ng masama.
“Nasa baba” sabi nya,
“Okay kana ba anak?” Tanong ni mama sakin, tumango ako.
“Ikaw Kyle?” Tanong ni mama kay Kyle,
“Okay lang po ako” sabi ni Kyle,
“Sya sige, mag hahanda lang ako ng pagkain nyo” sabi ni mama at lumabas, tiningnan ko si Kuya.
“Okay lang ako kuya” sabi ko sakanya, tumango sya,
“Let’s go babe. Inaantok pa ako” sabi ni kuya,
“Byee” sabi ni ate at lumabas na sila, huminga ako ng malalim. Naramdaman kong inilapit sakin ni Kyle ang muka nya. Tiningnan ko sya,
“Anong napanaginipan mo?” Tanong nya, lumayo ako sakanya,
“Wala” sabi ko,
“Ikaw ha, siguro lagi mo ‘kong iniisip kaya napanaginipan mo ‘ko” sabi nya,
“Manahimik ka” sabi ko at kinuha ang tuwalya ko, humara sya sa pinto,
“Gusto mo sabay na tayo, para matuloy kung ano yung panaginip mo?” Tanong nya, POTA! naalala ko na naman yung panaginip ko.
“Umalis ka nga dyan” sabi ko at nilagpasan sya.
Togenaaaaaaa!!!! Bakit ba naman kasi yun pa ang panaginip ko?!
**************
Don’t forget to vote and follow me