Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 229
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 229 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 229:
Eli’s POV
Pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo.
“Elijahhhhh mah sexy babehhhhh”
“Potanginaaaaa” bulong ko at umirit.
“Elijah! Anong nangyayari?” Tanong ni mama,
“Wala po” sabi ko,
“Maligo kana at maliligo pa si Kyle” sabi nya,
“Gusto mo sabay na tayo, para matuloy kung ano yung panaginip mo?”
BAKIT BA KASI NAAALALA KO PA?!!!!!
Nagbuhos ako ng sunod sunod.
“mawala ka, mawala ka” bulong ko at patuloy padin sa pagbubuhos ng tubig.
************
Nakain na kami ngayon, kaming tatlo, si mama, ako at si Kyle. Si ate at kuya tulog pa.
“Ano yung napanaginipan mo kanina?” Tanong ni Kyle, tiningnan ko sila ni mama, pareho silang nag aantay ng sagot.
*Bibibibeep *bibibibeep
Agad ako tumayo, kinuha ko yung cellphone ko at yung bag. Aray! Ang bigat.
“Tara na” sabi ko at diretsong lumabas. Sumunod sakin si Kyle,
“Alis na po kami” paalam nya kay Mama,
“Ingat kayo ha, Kyle ang anak ko ha” bilin ni Mama,
“Opo” sabi ni Kyle at kinuha ang bag na dala ko. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad.
“Parang alam ko na kung ano yung panaginip mo” bulong nya, tiningnan ko sya,
“Siguro sa panaginip mo ako pinagnanasahan” bulong nya at ngumiti ng nakakaloko.
“Kaya siguro ayaw mong sabihin kasi tama ako diba?” Tanong nya,
“Gusto mo bang masapak?” Tanong ko,
“Joke lang, hehe. I love you” sabi nya at hahalikan sana, tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya at naunang sumakay sa kotse.
muntik na. MUNTIK NA! nakakahiya!!!! Bwisit talaga ‘tong si Kyle. Kakainis!
Sumakay na din sya at nagsimulang mag drive.
************
Bumaba na kami ng kotse, nandito na ang kazoku at parang kami nalang ata ang iniintay.
“Ayan na pala sila. Let’s go” sabi ni Sir,
“Late kayo ah. Anong ginawa nyo?” Tanong ni Albert,
“Nag away” sabi ko, pumasok na kami isa isa sa bus.
“Nag away ba talaga?” Tanong ni Madi,
“Oonga” sabi ko,
“Ikaw Kyle ha, natulog ka lang dun kila Eli nalate kana. Never ka pang nalelate” sabi ni Kei,
“Ohhhh, kaya naman pala. Kila Eli pala naman natulog” sabi ni Kanji,
“Magkatabi kayo?” Tanong ni Tim, nagkatingnan kami ni Kyle.
“Ayon naman pala, napasarap pala ang tulog ni Master Kyle” asar ni Albert.
“Magkatabi kayo?” Tanong ni Kim, tumango ako. Umupo ako at tumabi sakin si Kyle. Magkatabi si Kim at Kei, si Tim at Albert, at si Kanji at Madi. No choice na sila dahil nahuli sila.
“Psh. Ang landi naman, nagpapasiping agad ng lalaki” dinig kong sabi ni Nicole pagkadaan nya samin, umupo sila ni Alexa sa likod namin ni Kyle.
“Nakakahiya naman sa nagpakembang kung kani-kanino” parinig pabalik ni Kim,
“HAHAHAHA” tawa nila ni Kei,
“Inggitera?” Tanong ni Madi,
“Yah yah, HAHAHAHA” sabi ni Kei at tumawa silang tatlo.
“Okay Alphas!” Sigaw ni Sir.
“Can everybody hear me?” Tanong ni Sir,
“Opoo!” Sigaw namin,
“Ang lakas naman ng boses mo” sabi ni Kyle habang hawak hawak ang tenga,
“Manahimik ka” sabi ko at nagfocus ulit kay Sir.
“This is Ms. Calinawan, our Nurse. Kung may magkakainjury man sa inyo ay sakanya pupunta, okay?!” Sigaw ni Sir.
“Opoooo!!!” Sigaw ko, napahawak ulit sa tenga si Kyle.
“Super excited si Ms. Gonzales” sabi ni Sir. Napatigil ako, potek. Ganon na ba kalakas yung sigaw ko?
************
Don’t forget to vote and follow me