Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 233
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 233 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 233: Fiance
Kim’s POV
NAKAKAINIS! kanina pa ako inaasar nitong Albert na ‘to.
“My fiance, hiiiiii” tawag nya habang kumakaway sa harap ko.
“Engaged na kayo?” Tanong ni Nicole.
“Hindi. At wala kang pakialam. Tara na nga” sabi ko at hinigit si Albert palayo sa camp space namin.
“Depota ka. Tumigil ka nga. Alam mo naman kagrupo natin si Nicole at super maissue non. Kaya tumigil ka dahil baka mafake news tayo” sabi ko sakanya.
“Got it my fiance” sabi nya at ngumiti.
“Tumigil ka sabi” sabi ko,
“What? Anong ginawa ko my fiance?” Tanong nya at lumapit. Napaatras ako.
“Manahimik ka” sabi ko, humakbang ulit sya papalapit sakin. Napaatras ako dahil papalapit na sya sakin ng sobra.
“D-diyan ka lang. Wag ka ng hahakbang” sabi ko,
“Bakit my fiance? May problema ba?” Tanong nya at mas lumapit. Agad ko syang tinulak.
“gusto mo isumbong kita kay Mr. Pangilinan?” Banta ko.
“Go ahead. Sumbong mo, para malaman nila na fiance kita” sabi nya at ngumisi. Umirap ako at padabog na naglakad.
“Hey, my fiance” tawag nya pero di ko pinansin. Nakakainis!
Kei’s POV
fiance? Engaged na sila?
Naglakad ako paalis at bumalik sa camp space namin.
“Saan ka galing?” Tanong ni Eli pero di ko sya pinansin. Dumiretso ako papasok sa tent ko at zinipper ang pinto.
Isa isa ng pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigil.
Bakit? Bakit ganonnnnn?!!!
Eli’s POV
“May problema ba si Kei?” Tanong ko kay Kyle pagkalapit nya sakin.
“Wala. Bakit?” Tanong nya.
“Ewan, pero feeling ko may mali. Hayst. Tara na nga” sabi ko at hinigit sya para tulungan ulit yung mga kasama namin.
Kim’s POV
“So you’re engaged” napatingin ako sa nagsalita.
“It’s not true” sabi ko,
“Blah blah blah. So what kung hindi totoo? Paano nalang kaya kung malaman ‘to ni Keilah. Do you think na okay lang sakanya?” Napatigil ako sa tanong nya.
“Cooperate with my new plan and I’ll keep this a secret” sabi nya.
“Hell no. Hinding hindi nako makikipagtulungan sa stupid plan mo at sa isang trash na kagaya mo” sabi ko at nilagpasan sya. Hinawakan nya ang braso ko at hinigit ako pabalik.
“You know me Kim. I don’t do threats. I made promises. 9 pm at the main space” sabi nya at nilagpasan ako.
Shit. Shit. Shit!!! Anong gagawin ko? Pupunta ba ako? I’m sure ang plano nya is to get rid of Elijah. I don’t want that to happen. Pero kung hindi ako papayag magagalit si Keilah sakin. Magagalit sila sakin. I DON’T KNOW WHAT TO DOOOOO.
*************
Don’t forget to vote and follow me