Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 235
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 235 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 235:
Eli’s POV
“Iyon!” Turo ng isa naming kasama. Kinuha nya yung flag na nakaipit sa bato.
“Ilan na?” Tanong ko kay Kei, sya kasi ang naghahawak ng mga flag namin.
“1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 9. 9 na” sabi ni Kei,
“Isa nalang”sabi ko, nagpatuloy lang kami sa paghahanap.
***********
3rd person’s view
Lahat ng Alpha students ay naghahanap, maliban kay Nicole na nakacross arms lang at nakaupo sa malaking bato.
“Hoy Nicole, baka naman gusto mong tumulong” sabi ni Albert,
“No” sabi ni Nicole, hindi padin mawala sa isip nya ang pamamahiyang ginawa ni Mr. Pangilinan sakanya.
“I’ll kill him” bulong nya habang iniisip si Mr. Pangilinan.
“Ang yabang yabang si Sir lang pala ang katapat” sabi ng iba nyang kagrupo.
“Oonga, hahaha” tawa ng mga iba. Tiningnan sila ng masama ni Nicole, humakbang sya papalapit sa mga ito.
“Repeat what you just said” sabi ni Nicole.
“Ahhh, alin ba? Yung ang yabang yab–” agad syang sinampal ni Nicole.
“Nicole!” Awat ni Albert kay Nicole, agad na napatingin ang lahat kay Nicole.
“You b*tch! Baka nakakalimutan mo kung sino ako at kung anong kaya kong gawin! Ano ba! Bitawan mo’ko! I’ll kill you!!!” Sigaw ni Nicole.
“Tama na!” Sigaw ni Albert at nilalayo si Nicole sa mga kagrupo nila.
“Umalis na– Umalis na kayo!” Sigaw ni Albert sa mga kagrupo nya. Agad na lumayo ang mga kagrupo nila.
“Get off me! I’ll teach those b*tches a fvcking lesson!!” Sigaw ni Nicole at nagpupumiglas.
“Nicole ano ba!” Sigaw ni Albert at binitawan si Nicole.
“Bakit ba nangingialam ka?!” Sigaw ni Nicole at susunod sana sa mga kagrupo nila pero agad na hinigit sya pabalik ni Albert.
“Kung gusto mong maparusahan, sarilihin mo!” Sigaw ni Albert. Napatigil naman si Nicole.
“Hindi yung mangdadamay ka pa ng iba na kala mo naman nakakatuwa! Kung gusto mo umuwi kana at magsumbong ka sa parents mo kasi dun kalang naman magaling hindi ba?! Go! Umuwi kana! Hindi kami mag titiis sa ugali mo” sabi ni Albert at naglakad paalis. Patagong niyukom ni Nicole ang kamao nya at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata nya.
************
Eli’s POV
“Hoy may nag aaway dun!” Napatingin kami nang sumigaw ang isa sa mga kagrupo nila Kanji,
“Si Nicole yun for sure” sabi ko,
“Tara” sabi ng iba naming kagrupo at tatakbo na sana nang mag salita si Kyle.
“No, kaylangan nating mag focus, Nicole’s always doing that. Walang bago, kaya kaylangan nating mag focus at mahanap ang last flag” sabi ni Kyle, nagpatuloy kami sa paghahanap ng last flag.
Ano na naman kaya ang ginawa ng babaeng yun? Napaka war freak nya talaga.
**************
Don’t forget to vote and follow me