Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 240
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 240 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 240:
Eli’s POV
“You okay?” Tanong sakin ni Madi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sunod sunod nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Niyakap ako ni Kyle at hinimas ang likod ko,
“Shhh….. it’s okay” sabi ni Kyle,
“Group hug” sabi ni Madi. Naramdaman kong niyakap nila akong lahat. Tumingin ako sakanila at tumawa.
“Hala baliw” sabi ni Kanji, humiwalay sila sa pagkakayakap sakin. Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim.
“Salamat” sabi ko,
“Kasi nandyan kayo palagi para protektahan ako” sabi ko, ito na naman. Naiiyak na naman ako,
“Syempre naman. Sino pa ba ang poprotekta satin kundi tayo lang diba. Wag mo na isipin yun, basta hindi ka namin pababayaan” sabi ni Albert.
“Yeah, tama si Albert” sabi ni Madi.
“Thank you ng sobra sobra” sabi ko at naiyak na naman. Muli akong niyakap ni Kyle.
3rd person’s view
Habang kayakap si Eli, sumenyas si Kyle na umalis na ang ibang kasama. Nagkatinginan mula sila bago pumayag.
“Sala–” napatigil si Eli nang makitang wala na ang mga kasama.
Eli’s POV
teka. Saan sila pumunta?
“Asan na sila?” Tanong ko. hinawakan ni Kyle ang baba ko, ihinarap ako sakanya at hinalikan ako sa noo.
“Pinaalis ko na sila” sabi nya. Hinawakan ang kamay ko,
“Sorry Eli, promise hinding hindi na ‘to mauulit” sabi nya, unti-unti akong ngumiti. Pinunasan nya ang mga luha ko at niyakap ako. Niyakap ko din sya pabalik.
Kumawala sya sa pagkakayakap at tiningnan ako,
“Matulog kana, alam kong napagod ka” sabi ni Kyle, tumango ako.
“Ikaw din, team captain” sabi ko at ngumiti.
“Goodnight, i love you” sabi nya at hinalikan ako sa noo.
“Goodnight” sabi ko at naglakad papunta sa tent ko. Ganon din sya.
Matatapos din lahat ng ‘to. Alam kong nandyan sila palagi.
************
3rd person’s view
“What the hell was that Nicole?!” Sigaw ni Dan kay Nicole pagkauwing-pagkauwi nya.
“Dad not now, I’m tired” sabi ni Nicole at lalakad na sana pero hinawakan sya ni Dan sa braso at hinigiti pabalik.
“Ahhh!” Sigaw ni Nicole,
“Honey, nasasaktan si Nicole” awat ni Nica kay Dan.
“Talagang masasaktan sya hanggat hindi nya sinasabi satin kung bakit sya nagkakaganan! How can you plan something terrible?!” Sigaw ni Dan.
“Because i envy her! She took everything from me! She took Kyle! My crown! EVERYTHING!!” sigaw ni Nicole, agad syang sinampal ni Dan.
“Dan!” Awat ni Nica kay Dan.
“Hindi ba tinanong mo kung bakit ako nagkakaganito, Dad? It’s because of you! Kayong dalawa ni mommy! Lagi kayong wala! I need love! Not those expensive things! I NEED YOU BOTH! isa pa yun. I envy Elijah because she have a loving mom, kahit mommy lang ang meron sya. I ENVY HER. She received so much love and I?! I received nothing but pain! Pain! PAIN! so don’t ask me about who i am today, because both of you made me choose this way” sabi ni Nicole at tumakbo papuntang kwarto nya.
“NICOLE!” sigaw ni Dan pero hindi sya pinansin ni Nicole at dire-diretso lang sa pagtakbo.
“Oh my baby” bulong ni Nica at umiyak na din. Niyakap sya ni Dan at hinimas ang likod.
*******
Sinarhan ni Nicole ang pinto ng kwarto nya at inilabas lahat ng luhang kanina pa nya pinipigil.
“Ahhhhh!!!” Sigaw nya at ibinato ang family picture nila.
“Fvck you all! I HATE ALL OF YOU!!!!” sigaw nya at naghagis pa ng ibang gamit
************
Don’t forget to vote and follow me