Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 249
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 249 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 249:
Eli’s POV
“HEY WAKE UP!!!!” nagulat ako nang sumigaw si Kei.
“Ano ba?” Tanong ni Kyle, teka. Nakatulog ako? Nakatulog kami?!!
“Tara na! Kayo nalang iniintay” sabi ni Kei, tumingin ako sa labas. Potek kami nalang ang nasa loob ng bus.
“Hoy tara na” sabi ko kay Kyle at kinuha ang bag ko. Lalakad na sana ako pero hinigit ako ni Kyle pabalik at kinuha ang bag na dala ko.
“Let’s go” sabi nya, hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad pababa ng bus.
“Nandito na ba lahat?” Tanong ni Sir Tuazon,
“Opo” sagot namin,
*Yawnnnnn
Hikab ni Kyle,
“Libre mo ako ha” bulong ko,
“Anong libre? Nakatulog ka din naman” sabi nya,
“Hindi kaya” tanggi ko.
“Kapag nanalo tayo sa last task, I’ll get you anything you want. Deal?” Tanong nya,
“Deal” sabi ko at ngumiti.
Inilibot ko ang paningin ko. Nasa pang-pang kasi kami. Siguro dito gaganapin ang last task.
Maya maya ay dumating na si Sir Pangilinan, naglakad sya papunta sa harap namin kasama ang lima nyang kasama.
“Goodmorning everyone, para sa last task natin, lahat kayo ay sasakay sa kanya kanyang team banana boat. Kailangan nyong mag bangka ng 14.6
Km para makapunta sa royal island, hindi kayo malilito dahil susundan nyo lang kami. Pagkadating nyo doon ay kaylangan nyong suyudin ang buong royal island para lang mahanap ang 10 boxes na itinago ng aking team. Sa loob ng 10 boxes na iyon ay may lamang piece of paper at mga gamit na pwede nyong gamitin sa pagligtas sa mga trap na ginawa namin. Kailangan nyong mabuo ang isang sentence gamit ang mga piraso ng papel na nasa loob ng mga box. 6 na box lang ang kailangan nyong mahanap para mabuo ang sentence ang remaining 4 boxes ay iba ang laman. You’ll know kapag nakita nyo na. So, Ready for the last task, Alphas?!” Sigaw ni Sir.
“Opo!” Sigaw namin,
“ibaba nyo muna ang mga dala nyong gamit, my soldiers will take it to our final location” ibinaba muna namin ang mga gamit namin, naglakad si Sir Pangilinan papunta sa isang speed boat, sumunod naman sakanya ang dalawa nyang tauhan. Sa kabilang speed boat naman ay sumakay sila Mr. Tuazon at si Ms. Calinawan at ang isa pang tauhan ni Sir Pangilinan. Ang dalawang tauhan naman ay binigyan kami isa isa ng life vest para incase na lumubog ang banana boat namin at hindi kami malulunod.
“Ready Alphas……in 3….2….GO!!!!” Agad kaming tumakbo papunta sa banana boat namin,
“Let’s go” sabi ni Kei, umupo kami, kinuha namin ang paddle at nag umapisang mag bangka.
“Hoy ano ba!” Sigaw ni Albert, bumaksak kasi ang isa nyang kasama.
“Focus red team! Wag kayong lilingon sa iba” sabi ni Kyle,
“1, 2, 1, 2” paulit ulit nyang sabi, dahil dito nagkakasabay sabay kami ng pag paddle.
“Good, let’s go!” Sigaw nya, patuloy lang kami sa mga ginagawa namin
*************
Don’t forget to vote and follow me