Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 28
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 28 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 28: Meet again
Eli’s POV
nasa cafeteria kaming lima at kumakain,
“Eli?” tawag sakin ni Albert, tumingin ako sakanya ng may pagtataka, di kasi ako makakaimik, puno kasi ang bibig ko,
“sino yung naghatid sayo kanina?” tanong nya, tumingin ako sakanilang tatlo na nag iintay ng sagot ko,
“kuya ko” sabi ko,
“sino?” tanong ni Albert, jusko. Sasagutin ko ba? Baka magalit si Kyle,
“Matthew” sabi ni Kyle,
“si Matthew?!” gulat ni Albert,
“kapatid mo si Matthew Gonzales?!” gulat na tanong ni Timothy, teka. Ito na pag kakataon kong malaman kung paano sila nag kakilala.
“anong meron kay Kuya? Kilala nyo na sya?” tanong ko,
“ako kilala ko sya” sabi ni Kei,
“eh kayo?” tanong ko kila Kyle at sumubo ng french fries,
“hindi” sabi ni Kyle,
“eh? Bakit kilala mo pangalan nya?” tanong ko,
“tinanong ko kay Kei, ayaw mo sabihin sakin kahapon eh” sabi nya, napa ‘ahh’ naman ako,
Kei’s POV
sinabi ko daw sakanya, magaleng talaga mag palusot tong kapatid ko.
*************
Eli’s POV
labasan na kami at nagtext na si kuya, nasa labas na daw sya ng school. Kakaane.
“Eli samahan moko” sabi ni Kei at hinigit ako,
“saan tayo pupunta?” tanong ko habang nag mamadali itong lukaret na ito.
“sa banyo, naiihi nako” sabi nya,
*************
Nasa loob ng cubicle si Kei at ako, nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
“kapatid mo si Matthew Gonzales?!”
May hindi talaga ako alam eh.
Habang nag iisip ng paraan kung paano ko malalaman ang sikreto ng mga ito ay lumabas na si Kei mula sa cubicle, lumapit sya sakin para mag hinaw ng kamay,
“Kei?” tawag ko sakanya, tumingin naman sya sakin,
“kilala ba nila Kyle si kuya?” tanong ko,
“oo” sabi nya, nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, oh my god. Ito na yun!
“talaga?! Paano nya nakilala si kuya?” tanong ko,
“diba sinabi ko kay Kyle kung sino yung kuya mo” sabi nya, nakakainis. Akala ko naman malalaman kona. Ang lakas kasi ng pakiramdam ko na mag kakilala talaga sila.
“tara na” sabi nya, tumango naman ako at naglakad na kami paalis ng banyo, jusmiyo marimar. Binabawi kona yung sinabi kong di ako chismosa. Plastik ako sa part na yun.
Matthew’s POV
nasa labas ako ng sasakyan ngayon at iniintay sila Eli, ang tagal naman nila.
“Kuya!” dinig kong sigaw ng isang babae, tumingin ako at di ko inaakala na makikita ko ulit sila.
Eli’s POV
“Kuya!” sigaw ko at tumakbo papalapit kay Kuya,
“hi kuya kong pogi” pang bobola ko, pero nakatitig lang sya kila…..Kyle? Uy! Perfect timing.
“ay kuya, sila Kyle, Albert at Timothy nga pala” pakilala ko kila Kyle,
“Kyle, Albert at Timothy, si kuya Matthew” sabi ko at tiningnan ang expression nilang apat, mukang gulat na gulat. Haha! Sabi ko na nga ba magkakilala mga ito eh!
“Hi” sabi ni Kyle at inilahad ang kamay para makipag hand shake kay Kuya, pero itong atis kong kapatid, tinapik ang kamay ni Kyle.
“let’s go Eli” sabi ni kuya, at sumakay sa kotse, luhh. Attitude.
“tara na Eli” sabi ni Kei, tumango naman ako,
“bye” paalam ko kila Kyle, at sumakay sa kotse,
Hmm. Malalaman ko din kung anong sikreto ng mga ito. MWAHAHAHAHA!
*************
Don’t forget to like and follow me