Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 287
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 287 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 287:
Eli’s POV
“Hey wake up my pretty baby” nagising ako dahil may sumusundot sa tagiliran ko.
“Ano ba?” Bulong ko at nag iba ng posisyon sa pag higa.
“Babangon ka o tatabihan kita?” Tanong niya. Tiningnan ko kung sino yung nag sasalita.
“Ano na namang ginagawa mo dito?” Tanong ko,
“Remember, I’m your alarm clock. So wake up baby” sabi niya at hinigit ang kumot ko.
“Anong oras na?” Tanong ko,
“7” sabi niya.
“Ala syete na agad?” Tanong ko at umupo.
“Yeah, bumangon kana. Iniintay na tayo ng kazoku sa Madison’s” sabi niya.
“Okay okay” sabi ko at bumangon. Kinuha ko ang towel ko at pumasok sa banyo.
*************
“Witwiw” sabi niya pagkalabas ko ng banyo.
“Lumabas ka nga, mag bibihis ako” sabi ko.
“I’m just gonna close my eyes” sabi niya at pumikit. Lumapit ako sakaniya at tiningnan siya ng diretso. Minulat niya ang mata niya at ngumiti. Hinigit ko ang tenga niya.
“Ahhh!!!” Sigaw niya.
“hindi ka lalabas?” Tanong ko,
“Aray aray!!!” Sigaw niya. Pinapalo niya ang kamay ko pero di ko padin inaalis.
“Oona, lalabas na” sabi niya.
“Ano?” Tanong ko at hinigit pataas ang tenga niya. Tumayo siya habang pinapalo padin ang kamay ko.
“Lalabas na ngaaaaaa!!” Sigaw niya. Binitawan ko ang tenga niya. Tiningnan niya ako ng masama habang hawak hawak padin ang tenga niya.
“Labas na” sabi ko, naglakad siya palabas at sinarhan ang pinto.
“Loko loko” bulong ko, naglakad ako papunta sa cabinet ko para makapagbihis na. Hindi ko mapigilang mapangiti kasi naaalala ko ang muka ni Kyle kanina. Paiyak na kasi siya HAHAHAHA!!!
**************
“Ma alis na kami” sabi ko,
“Wait lang nak, may sasabihin sayo si Mama” sabi ni mama. Napatigil ako sa paglalakad at humarap sakaniya.
“Bakit ma?” Tanong ko,
“Babalik na sa pagtatrabaho si mama sa isang araw” sabi niya.
“Bakit ang bilis naman ma?” Tanong ko,
“1 month vacation lang yon pero nag request ako na kung pwede ay 1 week pa. Tapos na ang vacation ni Mama sa isang araw kaya kailangan ko ng umalis ulit para mag trabaho” paliwanag niya. Tumango ako.
“Mag iiwan ako ng allowance mo sa ibabaw ng side table mo kasi madaling araw ang alis ko, baka tulog kapa non eh” sabi niya.
“Sige po” sabi ko,
“Hey, you ready?” Tanong ni Kyle, nasa labas na kasi siya kanina at iniintay ako, siguro natagalan siya kaya pumasok siya ulit sa bahay.
“Oo, susunod ako” sabi ko,
“Is everything okay, tita?” Tanong ni Kyle at tuluyan ng pumasok.
“Sige na, sumama kana kay Kyle” sabi ni mama sakin. Hinawakan niya ang pisnge ko at hinalikan ako sa noo.
“Take care of my daughter” sabi ni mama kay Kyle.
“Tara na” sabi ko, hinawakan ni Kyle ang kamay ko at naglakad kami palabas.
“What’s wrong?” Tanong niya, pero di ako umimik. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at sumakay ako, umikot siya at sumakay nadin.
“Hey, tell me. Anong nangyari?” Tanong niya.
“Aalis na kasi si mama sa isang araw. Babalik na siya sa trabaho” sabi ko, may tumulong luha mula sa mata ko. Agad yong pinunasan ni Kyle at hinawakan niya ang kamay ko.
“Stop crying, I’m here” sabi niya at niyakap ako.
**************
Don’t forget to vote and follow me