Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 289
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 289 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 289:
Eli’s POV
umalis na sila ate at kami nalang ang naiwan kasi kumakain pa kaming lahat.
“Ahh…. I’m full” sabi ni Kanji,
“For the first time, ngayon ko lang narinig na nagsabi ka ng busog kana” sabi ni Madi.
“Ngayon ka nalang namin nakasama eh” sabi ni Kanji,
“Let’s go guys. Anong oras na” sabi ni Kei.
“Yeah, let’s go” sabi ni Kim.
“Hans” tawag ni Madi sa assistant niya, tama ba? Assistant niya nga ata.
“Goodbye Kazoku” sabi ni Madi.
“Bye” sabi ko, nagsitayuan na kami at inayos ang mga sarili.
“Let’s go, thanks for the breakfast Madi” sabi ni Kyle,
“Salamat” sabi ko,
“That’s delicious” sabi ni Kim,
“Thank you. Sige na umalis na kayo, 8 a.m na” sabi ni Madi.
“Thank you” sabi ni Kanji at tinap ang balikat ni Madi. Nagkatinginan kami ni Kei at nagtaasan ng kilay.
“Let’s go” sabi ni Kyle, hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad.
Sumakay ako sa kotse ni Kyle. Si Kei at Kim naman ang magkasama tapos sila Kanji, Albert at Tim ang magkakasama.
Nagsimulang magdrive si Kyle papunta sa school.
*************
“I’m back, babehhhhh!” Sigaw ni Kei at naglakad. Nagsimula na din kaming maglakad.
“Late tayo ng 15 minutes pero sabi sa gc wala pa si Sir” sabi ni Tim.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa room.
“I miss everything, kahit wala pang 1 week tayong nawala” sabi ni Kei. Umupo kami sa kanya kanya naming upuan.
“Hoy ayan na si Sir” sabi ng isa naming kaklase. Umayos kaming lahat ng upo,
“Sorry I’m late, may inasikaso kasi ako. by the way, Good morning my Alpha students” bati ni Sir. Tumayo kami para bumati.
“Good morning Sir” bati namin pabalik, bumalik kami sa upo at tumingin kay Sir.
“I have an announcement” sabi ni Sir.
“Ms. Oriondo……dropped out of school” lahat ay nagulat sa sinabi ni Sir.
“Why?” Tanong ni Alexa.
“They say that Nicole will study abroad, I don’t know any details. You can message her, she’s your friend” sabi ni Sir.
“Let’s change the topic, I don’t like sad topic today. So, nag enjoy ba kayo sa exclusive camp natin?” Tanong ni Sir.
“Opo” sagot namin.
“Lahat kayo ay nanalo, that means na lahat kayo ay may additional points” sabi ni Sir. Pumalakpak kaming lahat.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil wala na si Nicole o hindi? I mean, kaya niya pa namang magbago eh. Basta! Ewan ko kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Parang hindi normal kapag papasok sa school tapos walang nambubully sakin. Siya nga agad ang nagbigay ng first memory ko dito sa RA, nung tinanong ko sakaniya kung saan makikita si Kyle.
Flashback……
Anong oras na! Kung di ako magtatanong malelate ako. Nakakahiya naman kasing magtanong eh. Bahala na nga!
Lumapit ako sa tatlong babaeng nagkekwentuhan,
“Hi, pwede po bang mag tanong?” Tanong ko sa isang babae. Tumingin siya sakin mula ulo hanggang paa.
“Why?” Tanong niya,
“Saan po ba makikita si Kyle Gomez?” Tanong ko,
“Kyle Gomez?” Tanong ng isa niyang kasama.
“What do need from him?” Tanong ng babae.
“May ibibigay lang po ako sakaniya, alam nyo po ba kung nasaan siya?” Tanong ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba, bakit ang dami nilang tanong?
“Go to the Gym, he’s there” sabi niya. Ngumiti ako,
“Salamat po” sabi ko at nagsimulang maglakad paalis.
“Gym, Gym, Gym, Gym” paulit ulit kong sinasabi para hindi ko makalimutan.
Maya maya ay nakarating ako sa Gym,
“Bakit walang tao?” Bulong ko, pumasok ako ng tuluyan sa gym,
“Hello? Tao po?” Tawag ko pero wala talagang tao.
“Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Class time na maya maya!” Sigaw sakin ng isang lalaki, naglakad siya papalapit sakin.
“Ngayon lang kita nakita, outsider ka ‘no? Magnanakaw ka ‘no?” Tanong niya, agad akong umiling.
“Hindi po, hinahanap ko po si Kyle Gomez, transfer student po kasi ako” paliwanag ko. Sobrang kaba na ng nararamdaman ko.
“Wala dito si young master, pumunta ka sa Building 2 tapos pumunta ka sa section Alpha. Dun, dun mo siya makikita” sabi niya,
“S-salamat po” sabi ko at tumakbo paalis. Tumingin ako sa wrist watch ko.
“Potek, mag aalas otso na. Bwisit na babae” bulong ko at mas binilisan ang takbo.
End of flashback…….
************
Don’t forget to vote and follow me