Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 297
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 297 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 297:
Eli’s POV
“Sir may transfery daw po” napatingin kaming lahat kay Albert.
“Mr. Salazar, pwede bang bumati muna?” Napatawa kami sa sinabi ni Sir.
“Super excited pagdating sa babae” sabi ni Tim.
“Good morning, My Alpha students” bati ni Sir. Tumayo kami at bumati.
“Good morning Sir” bati namin at bumalik sa pagkakaupo,
“Now, para dun sa tanong ni Mr. Salazar. Yes meron tayong bagong student–” sabi ni Sir.
“Yesssss!!!!” Sigawan ng mga lalaki, lumingon ako kay Kyle.
“I’m not interested” sabi niya, ibinalik ko ang tingin ko kay Sir.
“Pero!–” napatahimik ang mga lalaki sa pagsigaw.
“–sa isang araw pa siya pupunta dito kasi may mga inaayos pa. Kaya magready kayo kasi galing siya sa Harvard University at baka maging ace din natin siya” sabi ni Sir.
“Sir?” Taas ng kamay ni Kim,
“Yes?” Tanong ni Sir.
“Totoo po bang anak siya ng isang Major General?” Tanong ni Kim,
“Yes, pero hindi natin alam kung kagaya ba siya nila Mr. Takahashi at Mr. Gomez na trained pagdating sa pakikipaglaban. Who knows, right?” Sabi ni Sir.
“Sir? What’s her name?” Tanong ni Kanji,
“Her name is Roxy, you’ll meet her soon so stop asking about her and open your book on page 179” sabi ni Sir. Kinuha namin ang kanya kanya naming libro at binuklat sa page na simabi ni Sir.
“Read the first paragraph Mr. Salazar” sabi ni Sir. Tumayo si Albert at binasa ang unang paragraph.
*************
Papunta kami ngayon sa cafeteria para kumain,
“Sa tingin nyo mabait yung bagong student?” Tanong ni Albert.
“Siguro, pwede, ewan” sabi ni Kim.
“Basta hindi siya bully. Mabait yon” sabi ko,
“At hindi ka sasaktan” sabi ni Kyle at umakbay sakin,
“Sana hindi kagaya ni Nicole, nakakasawa mag retouch tuwing napapaaway kasama ang mga alipores niya” sabi ni Kei,
“Si Alexa” sabi ni Tim, napatingin kami kung saan siya nakatingin.
“Bakit siya nakaupo?” Tanong ni Albert. Naglakad pa kami ng konti hanggang sa makita ang dahilan kung bakit siya nakaupo.
“Sila yung babaeng nambubully kay Alexa diba?” Tanong ni Albert. Nagulat ako nang tadyakan ng isang babae si Alexa.
“HAHAHAHA!!!” dinig kong tawa nila.
“Jeez. What are we gonna do?” Tanong ni Tim,
“Tara kay Sir Tuazon?” Tanong ni Kim,
“We need to report this” sabi ni Kei, iniyukom ko ang kamay ko nang makitang tinatadyakan ulit nila si Alexa, hindi lang isa kundi dalawang tao sila.
Hindi ko na kayang panuorin pa.
Agad ko tinanggal ang kamay ni Kyle sa balikat ko at tumakbo papalapit sa mga babaeng nangbubugbog kay Alexa.
“Elijah!”
“Hoy!!!”
“Let’s go!”
“Hey! Stop!” Sigaw nila Kei pero di ko na sila pinansin at mas binilisan ang pagtakbo.
“Punyeta ka!” Sigaw ko at sinipa ang babaeng malapit sakin, natumba ito.
“Alex!” Sigaw ng kasama niya, hinigit ko niya at sinampal ng malakas. Natumba din siya kagaya ng kasama niya.
“Elijah, that’s enough” pigil sakin ni Kei.
“Alexa, okay kalang?” Tanong ni Albert kay Alexa.
“Bakit?” Tanong ko,
“BAKIT NIYO ‘TO GINAGAWA SAKANYA?!” sigaw ko,
“Baby, that’s enough” pigil ni Kyle sakin,
“masaya ba? MASAYANG BANG BULLIHIN SIYA?!” sigaw ko, tinanggang ko ang kamay ni Kyle at Kei sa braso ko,
“Hindi ba binalaan ko na kayo? Hindi niyo ba natatandaan? Diba sabi ko kapag binully nyo ulit siya patay kayo sakin. Sa mga ginagawa niyo, binabawasan niyo lang ang pagkakataon nyong mamuhay ng mahabang panahon” sabi ko at susuntukin na sana ang babaeng malapit sakin nang magsalita si Alexa.
“Eli” napatingin ako sakanya.
“Tama na” bulong niya at sunod sunod nang tumulo ang luha.
Hindi ko alam pero nakikita ko ang dating ako kay Alexa. Pareho kami. Nabully, ginamit lang ng ibang tao. Naaalala ko ang mga nangyari sakin dahil sakanya.
***************
Don’t forget to vote and follow me