Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 301
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 301 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 301:
Eli’s POV
“We’ll meet you guys tomorrow” sabi ni Kanji, nasa parking area kami ngayon.
“Sigurado ba kayong di tayo mabubuking?” Tanong ni Aira.
“Stop worrying, Aira. Both of you are in good hands” sabi ni Kei.
“Oonga, saka ang alam naman ng parents mo ay naggagawa tayo ng project para tumaas ang grades niyo” sabi ni Kim, sa bahay kasi nila Kei magsstay sila Aira at Alex para safe sila.
“Basta iready niyo mga kailangan natin bukas. Alam niyo na naman kung ano yun” sabi ni Kyle.
“Ako sa Rope” sabi ni Albert.
“Ako sa susuotin” sabi ni Kei.
“As usual, ako ang hacker” sabi ni Tim.
“Ayaw mo?” Tanong ni Kanji,
“Kung naibibigay lang ang talino, matagal ko ng hiningi sayo” sabi ni Albert.
“Bobo ka kasi” sabi ni Kyle. Tumawa silang lahat.
“Basta kami ni Kyle ang bahala sa pagpasok” sabi ni Kanji,
“Paano kami? Anong gagawin namin?” Tanong ni Kim,
“We don’t want you to get hurt. But we need all of you to distract our target” sabi ni Kyle.
“Elijah!” Napatingin kami sa tumawag sakin. Lumapit siya samin,
“Why is everyone so serious?” Tanong ni mama.
“Nothing Tita. Inaalala lang namin si Eli” sabi ni Kei,
“Okay, oh. Hi girls” bati ni mama kila Alex. Ngumiti silang dalawa.
“Akin muna ang baby ko ha? Alam niyo namang last day ko ng kasama siya” sabi ni Mama.
“Opo” sabi nila,
“Tara na Ma” sabi ko,
“Okay, let’s go. Bye Kazoku” sabi ni Mama. Naglakad na kami paalis.
“Take care!” Sigaw ni Kyle. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya.
“I love you” buka ng bibig niya. Ngumiti ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
*************
Nasa amusement park kami ni mama at nakain ng ice cream.
“May gusto kapa ba, anak?” Tanong ni mama, umiling ako.
“Tara na umuwi ma” sabi ko,
“Huh? Kakadating lang natin dito ah” sabi niya.
“Napagod kasi ako sa school, ma” sabi ko, hinawakan niya ang pisnge ko at tiningnan ako ng diretso.
“Anak, wag kana malungkot. Kailangan kasing mag work ni mama” sabi ni mama. Ito na naman, yung luha ko nag uunahan na namang bumagsak.
Pinunasan ni mama ng mga luha ko at niyakap ako. Hinimas himas niya ang likod ko.
“Wag na malungkot ang bunso ko. Ayokong nakikitang umiiyak ka eh. Tahan na” sabi ni Mama. Tumango ako at huminga ng malalim para mapigilan ang pag iyak.
Humiwalay siya sa pagkakayakap at tiningnan ako.
“Gusto mong mag arcade tayo?” Tanong niya, ngumiti ako at tumango.
“Let’s go” sabi niya,
“Clariss?” Napatingin kami sa tumawag kay mama.
************
3rd person’s view
Sa iisang lugar naroon din si Dan na kausap ang isang lalaki.
“I missed this place, Thank you for inviting me here, Mr. Chan” sabi ni Dan na kalalabas lang ng isang restaurant.
“You’re always welcome here, Mr. Oriondo” sabi ni Mr. Chan.
“Clariss!” Napatingin si Dan at Mr. Chan sa lalaking sumigaw. Tumakbo ito papunta sa dalawang babae.
“Clariss?” Bulong ni Dan nang makita si Clariss kasama si Elijah.
*************
Don’t forget to vote and follow me