Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 302
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 302 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 302:
3rd person’s view
nagulat si Eli nang may yumakap kay Clariss.
“Grabe! Kelan ka umuwi?” Tanong ng lalaking yumakap kay Clariss. Kumawala ito sa pagkakayakap at tiningnan si Clariss.
“Last month lang” sabi ni Clariss.
“Mr. Oriondo?” Tanong ni Mr. Chan.
“Hmm?” Tanong ni Dan.
“Someone is calling you” sabi ni Mr. Chan, kinuha ni Dan ang cellphone niya sa bulsa ng suit niya.
“Excuse me” sabi ni Dan at lumakad palayo kay Mr. Chan,
“Hello?” Sagot ni Dan sa phone call.
“Hon, where are you? Nagpromise ka kay Nicole na pupunta ka dito” sabi ni Nica sa kabilang linya.
“Yeah, pupunta nako” sabi ni Dan.
“Okay, take care. I love you” sabi ni Nica, hindi na umimik si Dan at pinatay na ang phone call.
*************
Eli’s POV
sino ‘to? May jowa ba ang nanay ko?
“Di ka manlang nag text o kaya tumawag, edi sana nakapagbonding tayo” sabi nung lalaki at napatingin sakin.
“Oh hi” sabi nung lalaki,
“Si Elijah nga pala, anak ko. Nak si Eddie, best friend ko” pakilala ni mama, ahhh. Best friend pala.
“Hello po” sabi ko,
“Elijah? Ay yung bunso mo” sabi niya,
“Oo” sabi ni mama,
“Ay saglit lang. Dyan ka muna anak, may bibilhin lang ako” sabi ni mama at naglakad paalis. Tiningnan ko yung lalaki.
“Best friend ka ng mama ko?” Tanong ko, tumango siya.
“Ang laki mo na. Dati nung iniwan ka sakin ng mama mo 6 years old ka lang” sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.
“Iniwan? Sa lola po ako iniwan ni mama” sabi ko,
“Iniwan ka muna sakin ng mama mo bago ka niya iniwan sa lola mo” sabi niya,
“Po?” Tanong ko, naguguluhan ako. Ngayon ko lang siya nakita, kahit pakiramdam na pamilyar siya hindi ko naramdaman.
“Kung naguguluhan ka at hindi mo maalala, tanungin mo nalang ang mama mo” sabi niya.
“I’m backkkk” sabi ni mama. Inabot ni mama ang isang maliit na paper bag dun sa lalaki.
“Ano ‘to?” Tanong ng best friend ni mama.
“Favorite mo, hindi kasi tayo makakapagbonding dahil aalis nako bukas. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho” sabi ni mama.
“Aalis kana agad? Bakit ang bilis naman?” Tanong ng best friend ni mama.
“Kailangan kasi, syempre single mom” sabi ni mama.
“Pa! Nandito ka pala, kanina pa kita hinahanap” sabi nung isang lalaking kakadating palang. Napatingin siya kay mama.
“Tita Clariss” sabi nung lalaki at yumakap kay mama.
“Kiko, ang laki mo na” sabi ni Mama. Napatingin sakin yung lalaki.
“Ay si Elijah nga pala. Tanda mo pa ba siya?” Tanong ni mama.
“Elijah? Jah-Jah! Miss na kita!” Sigaw nung lalaki at niyakap ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko naman kilala ang lalaking ‘to!
Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin.
“Haha. Sino ka?” Tanong ko, Tumingin siya sakin nang may pagtataka.
“Si Kiko. Best friend mo dati, nagmaynila kalang di mo nako naaalala” sabi niya. Hinawakan ni mama ang balikat ni Kiko,
“Nagkaamnesia si Elijah, kaya hindi ka niya maalala” sabi ni mama. Teka, ibig sabihin totoo lahat ng sinabi nila. Totoong iniwan ako ni mama dati sa best friend niya. Wala akong maalala!
*************
Don’t forget to vote and follow me