Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 303
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 303 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 303:
Eli’s POV
“Kaya pala hindi mo ako maalala” sabi nung Kiko daw.
“Nagbobonding din ba kayo?” Tanong nung best friend ni mama.
“Oo, bukas kasi alis ko” sabi ni mama.
“Edi sama sama na tayo. Nagbobonding din kami ni Kiko, ano tara?” Tanong nung best friend ni mama. Nagkatinginan kami ni mama.
“Okay lang ba sayo, nak?” Tanong ni mama. Tumango ako habang nakangiti. Ang panget naman kung di ako papayag diba? Saka kilala nila ako bago pa mawala yung memories ko.
“Yown, tara” sabi ni Kiko at hinigit ako.
“Ma–hoy- saglit” hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil patuloy lang sa pagtakbo si Kiko,
“Hoy Kiko!” Sigaw ng best friend ni mama.
“Ingatan mo anak ko ha!” Sigaw ni mama, teka. Pumapayag ang nanay ko na sumama ako sa lalaking to? Hindi ko manlang natatandaan pero pumayag ang nanay ko.
3rd person’s view
“Nako hayaan na natin. Baka namiss lang ni Kiko si Elijah” sabi ni Clariss.
“Siguro nga. Tawagan nalang natin ang dalawa. For sure magbobonding pa ang mga yon” sabi ni Eddie.
“Oonga, tara muna dun” sabi ni Clariss habang nakaturo sa isang bench. Nagsimula silang maglakad papunta sa bench.
“Bakit nawalan ng memorya si Elijah? Ano bang nangyari?” Tanong ni Eddie.
“Nako Ed, wag mo ng tanungin” sabi ni Clariss at umupo sa bench. Umupo sa tabi niya si Eddie.
“Sabihin mo na, malay mo makatulong kami ni Kiko” sabi ni Eddie.
“Dahil kasi yun kay Dan, tatay ni Elijah” sabi ni Clariss.
“Ay yung lalaking kasama mo umuwi dati? Bakit? Anong ginawa niya kay Elijah?” Tanong ni Eddie.
“Nabangga si Elijah ng isang kotse, nalaman niya kasi na may iba pang pamilya si Dan” sabi ni Clariss. Agad niyang pinunasan ang luhang bumagsak galing sa mata niya.
“May ibang pamilya yung lalaki? Aba, tarantado pala yung Dan na yan” sabi ni Eddie.
“Simula nung nabangga si Elijah, nawalan siya ng memorya” sabi ni Clariss.
“Ibig sabihin walang naaalala si Elijah tungkol sa mga nangyari dati?” Tanong ni Eddie. Tumango si Clariss habang nagpupunas ng mga luha niya.
“Pasensya na. Tinanong ko pa kasi” sabi ni Eddie, umakbay siya kay Clariss at ihiniga ang ulo nito sa balikat niya.
“Hindi niya manlang kami hinanap si Elijah. Mas pinili niya yung babaeng yon. Paano naman ang anak ko?” Sabi ni Clariss at tuloy tuloy padin ang pag iyak.
Sa likod ng bench ay may isa pang bench kung saan nakaupo si Dan. Dinig niya ang lahat ng sinabi ni Clariss.
“Palagi siya hinahanap ni Elijah. Laging umaasa ang anak kong may magtatanggol sakanya kapag binubully siya ng mga kaklase niya. Naging matigas ang anak ko dahil sakanya, bwisit siya” sabi ni Clariss habang umiiyak.
Pinunasan ni Dan ang luhang pumatak mula sa mata niya.
“Tahan na Clariss. May plano ang Diyos para sa inyo ni Elijah. Wag kang mag alala, ang mahalaga ay ligtas kayo ni Elijah, malusog kayo. Saka muka namang masaya si Elijah kahit na wala yung tatay niya gago” sabi ni Eddie.
“Alam kong umaasa padin si Elijah, Ed. Alam kong hinahanap niya padin si Dan at alam kong nag iintay padin siyang bumalik ang tatay niya” sabi ni Clariss.
“Sire, your plane is ready” sabi ng bodyguard ni Dan. Tumango si Dan, sinuot niya ulit ang shades niya at nagsimulang maglakad paalis.
************
Don’t forget to vote and follow me