Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 304
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 304 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 304:
Eli’s POV
“Aray kasi” sabi ko at binawi ang kamay ko, humawak ako sa tuhod ko sa sobrang pagod.
“Teka lang” sabi ko at huminga ng malalim.
“Ang hina mo na, dati kapag nagkakarera tayo sa pagtakbo ako lagi ang unang sumusuko” sabi niya,
“Ano bang trip mo?” Tanong ko, kanina pa kasi kami tumatakbo. Naikot na siguro namin ang buong Amusement Park.
“Wala lang. Namiss ko lang tumakbo kasama ka, ano? Naaalala mo na ba ako?” Tanong niya at inilapit ang muka sakin. Itinulak ko yun at tumayo,
“Yan ba yung purpose ng pagtakbo natin? Para maibalik ang alaala ko? Para maalala kita?” Tanong ko, tumango siya habang nakangiti.
“Hindi yun ang makakapagpabalik ng alaala ko” sabi ko at nagsimulang maglakad paalis. Sumunod siya sakin,
“Edi paano maibabalik? Alam mo ata eh. Ayaw mo lang akong maalala” sabi niya,
“Hindi ko alam” sabi ko at patuloy padin sa paglalakad.
“Sabi mo hindi pagtakbo ang makakapagpabalik ng alaala mo. Edi alam mo kung ano” sabi niya, tumigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya.
“Pwede bang manahimik ka nalang?” Sabi ko at umirap. Inilibot ko ang paningin ko,
“Asan na ba tayo?” Tanong ko,
“Cotton Candy, Cotton Candy” napatingin ako sa lalaking nagtitinda ng cotton candy.
“Gusto mo? Diba favorite mo yon?” Sabi ni Kiko. Tumingin ako sakanya, ngumiti siya at naglakad papunta sa lalaking nagtitinda ng cotton candy.
Maya maya ay bumalik siya dala dala ang dalawang cotton candy.
“Gusto mo?” Tanong niya, kukunin ko na sana yung cotton candy sa kamay niya pero inilayo niya ito.
“Edi bumili ka ng iyo” sabi niya,
“Hmm….ang sarap naman ng COTTON CANDY. Ang sarap sarap ng COTTON CANDY. May isang babae na walang COTTON CANDY” asar niya. Tiningnan ko siya ng masama.
“Bakit? Gusto mo diba? Edi bumili ka ng iyo” sabi niya,
“Ang bangoooooo….at ang tamissssss” asar niya habang pinapainggit sakin yung cotton candy. Ako pikon na pikon na sa lalaking to. Nakakainis, kanina pa.
“Gusto mo?” Tanong niya,
“Bumili kaaaaaaa” asar niya, humawak ako sa bewang ko at huminga ng malalim.
“Kawawang Jah-Jah walang cotton candy” asar niya.
“Di ka titigil?” Tanong ko,
“Hindi, kasi ang sarap ng cotton candy. At ikaw, wala kang cot–” hindi ko na siya pinatapos at sinipa siya sa private part niya.
“Ofc!!” Sigaw niya. Nabitawan niya ang cotton candy niya at hinawakan ang private part niya. Napaluhod siya sa lakas ng sipa ko.
“Haha. Paiyak na” asar ko at naglakad paalis.
“Aray, Jah. Jah-Jah!” Sigaw niya pero di ko pinansin, dire-diretso lang ako sa paglalakad.
“Bwisit” bulong ko,
Habang naglalakad may nabangga akong isang lalaki. Nakasuit at nakashades. Mukang mayaman.
“Sorry po” sabi ko,
“Elijah?” Tanong niya, nagulat ako nang sabihin niya ang pangalan ko,
“Are you okay, Sire?” Tanong ng isang lalaki.
“Yes, let’s go” sabi nung lalaking nabangga ko. Tumingin siya sakin at naglakad paalis.
Kilala ako. Bakit ako kilala? Hindi pa naman ako famous pero may mga nakakakilala na sakin. Siguro maganda lang ako HAHAHA
“Jah-Jah!” Dinig kong sigaw ni Kiko, hindi ko siya pinansin at naglakad na ulit.
***************
Don’t forget to vote and follow me