Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 306
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 306 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 306:
Eli’s POV
“Si Eli na ang magdedesisyon para sa sarili niya. Malaki na ang anak ko” sabi ni mama,
“Ayoko” sabi ko,
“Bakit naman? Hindi ka naman nag iisang babae dun kasi kasama namin si Andrea, yung kapatid ni Kiko” sabi ni Tito,
“Oonga, samin ka nalang ulit tumira” sabi ni Kiko,
“Ayoko” sabi ko,
“Guys, haya–” hindi na pinatapos ni Kiko si Mama sa pagsasalita.
“Give one reason” sabi ni Kiko,
“Bakit? Required ba yon?” Tanong ko,
“Oo” sabi niya,
“Kiko” saway ni Tito Eddie kay Kiko,
“Ayokong kasama ka” sabi ko,
“Tama na, kumain na kayo” saway ni Mama,
“Hayaan na natin si Elijah, saka hindi naman mag isa yan dahil kasama niya ang boyfriend niya” sabi ni mama,
“May boyfriend ka?” Tanong ni Kiko,
“Bakit? Bawal ba?” Tanong ko, umiwas siya ng tingin at nagpatuloy ulit sa pagkain, umirap ako at kumain nalang ulit.
“Alam nyo, ngayon lang kayo nag away” sabi ni Mama.
“Oo, dati para kayong magnet. Hindi kayo mapaghiwalay” sabi ni Tito.
*************
“Ingat kayo pag uwi” sabi ni Tito.
“Sige, ingat din kayo” sabi ni Mama, nagsimula ng mag drive si Mama.
“Ma?” Tawag ko sakanya.
“Hmm?” Tanong niya.
“Iniwan mo nga ako dati kay Tito Eddie bago kay Lola?” Tanong ko,
“Oo, 6 years old ka non. Pero saglit lang naman kitang iniwan don” sabi niya,
“Bakit?” Tanong ko,
“Dahil sa tatay mo” sabi niya.
“Kay papa? Bakit?” Tanong ko,
“May ibang pamilya ang tatay mo, nak” sabi niya,
Ibang pamilya? Ibig sabihin totoo yung napapanaginipan ko. Sabi na, hindi lang basta panaginip ang mga yon. Kundi dati kong memories. Bumabalik na ang ala-ala ko.
**************
Nasa kama na ako ngayon, at ready na matulog.
*Knock *knock
Napatingin ako sa pinto nang may pumasok.
“Nak? Di kapa matutulog?” Bungad ni mama,
“Hindi pa po, bakit ma?” Tanong ko, tuluyan siyang pumasok at umupo sa kama ko.
“Aalis na si mama mamayang madaling araw diba? Gusto mo tabi na tayo matulog?” Tanong niya, ngumiti ako at tumango.
“Tara na, sa kwarto ko na tayo matulog” sabi niya, tinulungan ko siyang mag dala ng mga unan.
“Tara” sabi niya at nauna maglakad. Sumunod ako sakanya palabas, pumasok kami sa kwarto niya at inayos yung mga gamit ko,
Humiga kaming dalawa, yumakap ako sakanya at huminga ng malalim para pigilan ang mga luhang gusto ng bumagsak.
“Goodnight anak” sabi ni mama at hinalikan ako sa noo.
“Goodnight ma” sabi ko,
“Anak, wag ko ng isipin ang tatay mo ha. Alam kong masaya na siya sa pamilya niya. Masaya din naman tayo kahit tayo tayo lang diba? Hayaan na natin siya” sabi ni mama. Hindi ako umimik,
“Paano kayo nag kakilala ni papa?” Tanong ko,
“Tatlo kasi kaming magbebestfriend nak. Ako, si papa mo at yung isa pa naming bestfriend na babae. Meron akong nobyo non, yun yong tatay ni Matt. Kaso namatay siya sa shipwreck. Tapos non, naging nobyo ko yung tatay mo, nabuntis din ako sakanya. Pinangakuan niya ako ng kasal pero huli na nang malaman kong engaged siya sa isa pa naming bestfriend. Nabuntis niya din yung bestfriend namin. Basta anak. Ang daming nangyari dati. Hayaan nalang natin” sabi ni mama, ramdam kong sobrang sakit ng mga pinagdaanan niya.
“Kung sakaling babalik ulit siya para makasama ka edi okay. May pagkakataon kang makilala mo siya pero kung hindi edi wag nalang natin pilitin” sabi niya,
Gusto kong makita siya, makasama siya. Pero naiimagine ko, paano kung isang araw magkita kami. Ano kayang magiging reaksyon ko? Magagalit ba ako dahil iniwan niya kami? Matutuwa ba ako? Malulungkot? Hindi ko alam.
“Wag kang magagalit sakanya anak, tatay mo padin siya. Walang makakapagpabago non” sabi niya.
************
Don’t forget to vote and follow me