Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 313
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 313 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 313:
Eli’s POV
“Balikan na natin sila Kyle” sabi ko,
*Sobbing
Napatingin kami kila Alex nang marinig silang umiiyak,
“Bakit?” Tanong ni Kim,
“Is everything okay?” Tanong ni Kei,
“Ang saya. Sobrang saya” sabi ni Alex habang umiiyak.
“Thank you, after so many years na pangbubugbog ni daddy, matatapos na ang lahat” sabi ni Aira.
“It’s okay, tumahan na kayo” sabi ni Kim,
Naramdaman kong tumigil ang van at bumukas ang pinto.
“Oh, bakit?” Tanong ni Albert, nakita niya kasing umiiyak sila Alex.
“Tears of joy, tara na. Pumasok na kayo” sabi ni Madi. Pumasok na sila isa isa. Tumabi ulit sakin si Kyle.
“Ayos ba? Anong nakita niyo?” Tanong ni Madi, nagsimula ulit magdrive si Butler Ruben,
“Look” sabi ni Tim, ihinarap niya samin ang Ipad na dala niya.
“Grabe” sabi ni Kim,
“Ito pa” sabi ni Tim at sinwipe ang Ipad, mas nagulat kami sa nakita namin.
“Aira, Alex” tawag ko sa magkapatid. Tumingin sila ng may pagtataka, hindi kasi nila nakikita ang pinapakita samin ni Tim,
Lumapit sila ay tumingin sa Ipad.
“Hindi ko sure, pero kelan niyo huling nakita ang Mommy niyo?” Tanong ni Tim, humawak sa bibig niya si Alex at umiyak lalo,
“Nung isang araw” sabi ni Aira,
“I don’t think she’s still alive” malungkot na sabi ni Tim, lalong umiyak ang magkapatid.
“Shhhhh. It’s okay” sabi ni Kim,
“May basement ba kayo sa bahay niyo?” Tanong ni Kanji,
“Hindi ko alam. Kakalipat lang namin sa bahay na yon last year” sabi ni Aira,
“We need to request a search warrant, immediately” sabi ni Kyle.
“I wish, okay lang si mommy” sabi ni Alex habang umiiyak,
“Okay lang siya, Alex. Malakas kayo kaya sure ako na sakanya kayo nagmana” sabi ni Albert.
“Tumahan na kayo” sabi ni Kim,
“Nandito na po tayo” sabi ni Butler Ruben, Isa isa kaming bumaba ng van. Pumasok kaming lahat sa mansion nila Kyle.
“Manang, can you make us something to eat?” Tanong ni Kei,
“Sige, wait lang. Magluluto ako” sabi ni Manang at naglakad papunta sa kusina.
Umupo kaming lahat sa sofa,
“Wait lang, I’m going to call someone” sabi ni Kyle at naglakad palayo samin.
************
Dumating sila Manang kasama ang ibang maid dala dala ang mga miryendang niluto ni Manang.
“Salamat Manang” sabi ni Kei, inilapag nila sa lamesa ang mga pagkain,
“Tawagin niyo nalang ako kung may kailangan pa kayo ha” sabi ni Manang at naglakad paalis.
“I just called someone who can help us. Sabi niya na in 24 hours makukuha natin ang search warrant na gusto natin. So let’s just wait” sabi ni Kyle, bumalik siya sa tabi ko.
“Hindi ba pwedeng pumasok nalang ulit tayo don? Kaya naman natin diba?” Tanong ni Aira. Sa ngayon hindi na lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya, kundi galit.
“We can’t do that” sabi ni Kei,
“Why not? Nagawa niyo naman pumasok sa bahay ng hindi alam ni Daddy diba?” Sabi ni Aira.
“Aira” tawag ni Kanji kay Aira. Tumingin si Aira sakanya.
“Imagine, papasok tayo don. Tapos nahuli tayo, it’s called trespassing. At kapag trespassing tayo, he can do whatever he want to us. He can hurt us at wala tayong habol don. Mas kakampihan siya ng batas. All we need to do is to wait” sabi ni Kanji,
“Paano kung buhay pa si Mommy? Paano kung lumalaban pa siya? Paano kung patayin na siya ngayon ni Daddy?” Tanong ni Aira. Humagulgol ulit ng iyak si Alex.
“We can’t do anything, Aira” sabi ni Madi,
“That’s enough. We just need to wait for the search warrant” sabi ni Kei,
“Paano nga kung hindi na siya umabot hanggang bukas?!” Sigaw ni Aira. Sunod sunod ulit pumatak ang mga luha niya.
“Gusto ko lang mailigtas si Mommy…..k-kasi kung pati s-siya mawawala, s-sinong matitira samin?” Tanong ni Aira.
“Lahat tayo nagtutulungan dito Aira. Ipagdasal nalang natin ang Mommy mo” sabi ko,
“I don’t believe in that” sabi ni Aira.
“Trust me Aira. I’ve been there before, kung ano yang nangyayari sayo, naranasan kona yan. So please cooperate. Please” sabi ko, hindi siya umimik at yumuko lang. Hinimas ni Kim ang likod niya, si Madi naman yakap yakap si Alex para kahit paano mabawasan yung lungkot na nararamdaman nila,
“It’s okay” bulong ni Kyle at hinayakap ako.
*************
Don’t forget to vote and follow me