Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 32
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 32 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 32: Jasmine’s place
Eli’s POV
Grabe ang nangyari kahapon. Sobrang gulo. Nadamay pa si Mama Jessa at si Ate Jasmine. Sa ngayon nasa bahay namin si Kei, sabado ngayon at walang pasok,
“saan ba kayo nagpapractice ng catwalk?” tanong ni Ate Jasmine,
“sa bahay ni Mama Jessa, pero dahil kay Nicole hindi na kami nag papractice dun” sabi ko,
“so wala na kayong place?” tanong ni Ate Jasmine, tumango naman ako,
“you should’ve told me, tara” sabi ni Ate at tumayo,
“babe, alis muna kami ha” paalam ni ate Jasmine kay kuya,
“saan kayo pupunta?” tanong ni kuya,
“my place, but I’ll take care of them don’t worry, let’s go girls” sabi ni Ate Jasmine at nauna palabas, nagtinginan muna kami ni Kei bago napagdesisyonang lumabas,
Sumakay kami sa kotse ni ate Jasmine, nasa back seat kami pareho ni Kei at di padin alam kung saan kami dadalhin ni ate,
“saan tayo pupunta?” tanong ko kay ate,
“since you have no place to practice your catwalk, i know a place where you can practice. Don’t worry it’s peaceful and for sure di alam nung bruha kung saan yun” sabi ni ate Jasmine,
“that’s great, mas makakapagfocus tayo kung di alam ni babaeng paso kung saan ka mag papractice” sabi ni Kei, tumango naman ako.
“oonga, iwas gulo yun” sabi ko,
“who the hell is babaeng paso?” tanong ni ate Jasmine, nagkatinginan naman kami ni Kei at sabay tumawa,
Jusko. Naaalala ko ang muka ni Nicole. Yung sobrang kapal nyang make up. Ang kapal ko din dahil pinagtatawanan ko sya kahit ganito muka ko. BAKIT BA. MAPANGLAIT AKO MINSAN EH!
“it’s Nicole, yung sumabunot sating tatlo kahapon” sabi ni Kei,
“oh, that girl?” tanong ni ate Jasmine na may pang didiring muka. HAHAHAHA. magkakasundo kaming tatlo.
“yep, and she’s crazy, lagi nyang inaaway si Eli. Good thing naman is lumalaban si Eli” sabi ni Kei at tumingin sakin,
“yeah. That’s important, wag mag papaapi sa mga kagaya nya” sabi ni ate Jasmine, at ipinarada ang sasakyan sa tapat ng isang gate.
“we’re here” sabi nya at bumaba ng kotse, bumaba narin kami ni Kei at sumunod kay ate Jasmine, may pinindot sya malapit sa gate at biglang nagbukas ito,
“let’s go” sabi nya at naglakad papasok,
“woahhhhh” bulong ko, tama lang ang laki ng bahay pero ang ganda,may dalawang palapag, may pool din sya at tamang lawak na garden. Sumunod lang kami kay ate Jasmine at pumasok sa bahay,
“maupo muna kayo” sabi ni ate Jasmine at pumunta sa kitchen, kitang kita lang kasi dahil pag pasok palang sa pinto kitchen at sala agad ang bubungad,
Umupo kami ni Kei sa sofa at inilibot ang paningin,
“is this your house?” tanong ni Kei,
“yep, my own house” dinig naming sabi ni ate Jasmine,
“oh, I’m jealous. I wish i can have my own house too” sabi ni Kei,
“Ma’am Jasmine?” napatingin kami sa nagsalita, isang babae ang bumungad saamin. Di katandaan at di rin kabataan. Siguro 30+ lang sya.
“ate Esang” sabi ni ate Jasmine at yumakap dun sa babae,
“kakadating nyo palang po?” tanong nung babae kay ate,
“opo, may gagawin po kasi kami dito” sabi ni ate at itinuro kami ni Kei,
“magandang araw po” bati ko,
“magandang araw din–” bati nya pabalik at tumingin ulit kay ate,
“–gusto nyo po ba ng meryenda?” tanong nung babae,
“sige po” sabi ni ate Jasmine at naglakad papunta samin ni Kei,
“punta lang po kami sa taas” sabi ni ate dun sa babae,
“tara” sabi ni ate saamin at nag lakad pataas sa hagdan, sumunod ulit kami sakanya, naglakad kami ng konti at pumasok sa isang kwarto,
Parang kwarto ko lang din pero mas pinalaki, siguro kwarto nya ito,
Pumasok si ate sa isang pinto at maya maya ay may dala ng mga heels,
“let’s go” sabi nya at ngumiti. Patay. Bakit may heels agad? Parusa self. Parusaaaaaaaa………
***********
Don’t forget to like and follow me