Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 33
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 33 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 33:
Eli’s POV
ANG SAKIT NA NG PAA KO!!!!
Nakailang pabalik-balik ako kanina habang nakaheels, paano nila natitiis yung ganun kasakit?! Nakaupo ako ngayon sa sofa at iniintay namin ang jollibee’ng inorder namin, di pa kasi nakakapag grocery si ate kaya wala pang pagkain dito. Sa bahay na kasi sya natigil.
“bukas may practice ulit tayo ha” sabi ni ate, napasimangot naman ako. Torture talaga ang pagsali ko sa pageant na ‘yan.
“wag bukas” sabi ni Kei, ay may kakampi ako. HAHA!
“bakit?” tanong ni ate at umupo din sa sofa, tumayo si Kei at lumapit kay ate, may binulong ito sakanya. Anong meron? Napansin ko namang ngumiti si ate at nag apir silang dalawa, bumalik si Kei sa pinag uupuan nya kanina at umastang parang walang nangyari.
“ang duga, anong yung binulong mo?” tanong ko kay Kei,
“secret, basta may pupuntahan tayo bukas” sabi nya, sumimangot naman ako at nag cross arms. Ang duga.
Maya maya pa ay dumating na yung pag kain namin,
“hmmm. Yummy” sabi ni Kei at nilantakan yung pagkain, kumain narin kami nila ate.
“kwentuhan nyo nga ako tungkol sa babaitang nang away satin kahapon” sabi ni ate, tumingin ako kay Kei,
“ikaw na magchika” sabi ni Kei at sumubo ng fries.
“si Nicole Oriondo, also known as babaeng paso, ay isang hitad na gustong maging reyna ng campus” sabi ko, lalaitin ko sya ng bonggang bongga ngayon. Nakakaloka sya.
“di sya bagay maging reyna” sabi ni ate at bahagyang tumawa,
“since walang reyna sa campus at si Kyle ang hari, gusto ni bruhang maging reyna kahit na kamuka sya ni queen evil sa snow white” sabi ko, tumawa naman silang dalawa,
“grabe ka pero totoo yun” sabi ni Kei at tumawa,
“by the way, sino si Kyle?” tanong ni ate. Tinuro ko si Kei dahil di ako makakapagsalita dahil nanguya pa ako ng burger.
“younger brother ko” sabi nya,
“kapatid mo pala yung gwapong yun” sabi ni ate, at tumingin sakin. Tumingin ako sakanya ng may pag tataka.
“bakit?” tanong ko,
“anong bakit. Todo yakap sayo kahapon yung Kyle na ‘yon at masyado kang ipagtanggol sa mga bruhang kasama nung babaeng paso” sabi nya,
“hindi ko naman kasalanan na maganda ako” pag bibiro ko, sinundot naman ni ate ang tagiliran ko,
“chosera ka. Kilig ka naman” sabi nya at tiningnan ko ng may pag aasar,
“kakaane ‘to, wala akong gusto sa masungit na yun ha” sabi ko at uminom ng coke.
“paano kung gusto ka?” tanong ni ate, napatawa naman ako sa sinabi nya.
“imposible. Kahit ako, di ko nakikitang magiging boyfriend ko yung masungit na ‘yon. At isa pa, wala akong balak mag boyfriend, baka magaya lang ako sa inyo ni Kuya” sabi ko, at patuloy kumain.
**************
Don’t forget to like and follow me