Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 40
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 40 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 40:
Eli’s POV
Kakatapos ko lang maglinis at ready nako matulog ng magvibrate ang phone ko,
“parang kilala ko na kung sino nag text” bulong ko at kinuha ang phone ko,
Si adik na unknown na naman. Sabi ko na eh.
Unknown,
How’s ur practice? Did u hurt ur ankle? I wish u didn’t.
“P*TA!” sigaw ko, paano nya nalaman na nagpapractice ako? Sino ba ‘to?!
To: Unknown
Paano mo nalamang nagpapractice ako? Stalker kaba?
Reply ko. Jusko. Kinakabahan ako. Nakakatakot na lumabas. Baka mamaya makidnapped nalang ako bigla. Tapos patayin ako ng adik na ‘to!
Unknown,
‘coz i know you and you know me. Relax i won’t hurt u
Eh? So anong trip ng adik na ‘to?
To: Unknown
Sino ka ba talaga?
Reply ko.
Unknown,
Soon. You’ll meet me soon.
Soon? So ibig sabihin di ko pa sya nakikilala. Biglang nagvibrate ulit ang phone ko,
Unknown,
We already met. My bad. See you tomorrow. Goodnight Elijah.
“we already met?!” sigaw ko,
“Eli, bakit ba sigaw ka ng sigaw?!” nagulat ako ng pumasok bigla si kuya, agad kong itinago sa likod ko ang phone ko,
“wala kuya, hehe. May nakita kasi akong ipis” sabi ko,
“walang ipis sa kwarto mo, nagbaygon ka kanina” sabi ni Kuya, hala! Oonga. Napakamot naman ako sa ulo ko,
“baka di namatay kanina, buti nalang napatay ko” sabi ko at ngumiti ng alanganin, muka namang naniwala si kuya dahil tumango sya,
“matulog kana ha” sabi nya, tumango naman agad ako at umalis na si kuya.
Napaupo naman ako sa kama at tiningnan muli ang text ng adik na kung sino man.
We already met. My bad. See you tomorrow. Goodnight Elijah.
Anak ng tipaklong. Sino ba yun?
“jusko. Eli focus. Wag mong pansinin yun. Baka isang tao lang na malakas ang trip” bulong ko at tinapik tapik ang muka ko, huminga ako ng malalim at tumango.
“tama, wag pansinin” sabi ko at inilagay ang phone ko sa table na malapit sa kama, humiga nako at pumikit
***************
“p*ta. Di na naman ako makatulog” bulong ko, tiningnan ko ang oras sa phone ko. 1:00 na pero di padin ako makatulog. Jusko.
Bumangon ako at lumabas ng kwarto.
“nagugutom ako” bulong ko at pumunta sa kitchen. Naghanap ako ng makakain sa ref.
“what are you doing?” nagulat ako sa nagsalita,
“kuya naman eh, aatakihin ako sa puso kakagulat mo” sabi ko at hinawakan ang dibdib ko,
“anong oras na, bakit di kapa natutulog?” tanong nya,
“di kasi ako makatulog” sabi ko at uminom ng gatas,
“bakit di ka makatulog?” tanong nya, nasamid naman ako sa tinanong nya.
“may tinatago kaba?” tanong nya at mas lumapit, umiling ako habang naubo. Dali dali kong nilagay ang baso na pinag-inuman ko sa lababo,
“tulog nako kuya, goodnight” sabi ko habang tumatakbo papunta sa kwarto ko, agad kong sinarado ang pinto at huminga ng malalim.
“bakit ako kinakabahan?” bulong ko habang hawak hawak ang dibdib ko,
“jusko” bulong ko, pumunta ako sa kama at humiga na.
****************
Don’t forget to like and follow me