Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 42
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 42 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 42: Papa
Eli’s POV
Haha! Pogi daw sya. Di naman alam ang kung ano ang blobfish.
Nasa cafeteria kami at kumakain. Inaantok talaga ako. Gusto kong matulog.
“Eli, lalangawin na yang pagkain mo” sabi ni Kei,
“inaantok kasi ako” sabi ko, at hinawakan ang ulo ko,
“gusto mo pumuntang clinic?” tanong nya,
“pwede ba?” tanong ko, tumawa naman sya at tumango.
“punta lang kaming clinic ha” sabi ni Kei, at tumayo. Tumayo nadin ako.
“isama nyo na ‘to, puyat din” sabi ni Albert,
“tara Kyle” sabi ni Kei, tiningnan ko ng masama si Kyle, ngumiti sya at tumayo.
***************
“matulog ka muna dito” sabi ni Kei, humiga ako sa kama, si Kyle naman sa kabilang kama. May kurtina naman na naghihiwalay samin kaya ayos lang.
“pumunta kana sa classroom, excuse mo nalang kami ni Kyle” sabi ko kay Kei, tumango naman sya.
“mag take down notes ka ha, para may kokopyahan ako” sabi ko,
“yeah, yeah. Babalik ako pagtapos ng klase” sabi nya, at tuluyan ng umalis.
Huminga ako ng malalim at pumikit na. Makakabawi ako ng tulog ngayon. HAHAHAHA!
*tinggg….
kinuha ko ang phone na nasa bulsa ko,
Adik,
Sleep well.
Anak ni batman! Paano nya nalamang nandito ako? Teka. Bumangon ako at hinawi ang kurtinang pumapagitan samin ni Kyle.
“what?” tanong nya, teka. Hindi sya ang nagtetext sakin. So sino? Pagkahawi ko kasi ng kurtina di nya hawak ang phone nya.
“wala” sabi ko at binitawan yung kurtina. Bumalik ako sa kama at umupo. Sino kaya yun?
“arghhhh” bumalik nako sa pagkakahiga ko,
“kaylangan kong matulog” bulong ko at pumikit.
***************
Kyle’s POV
Tulog na kaya sya?
Dahan dahan kong hinawi ang kurtina at sinilip sya. Tulog na nga sya.
Bumangon ako at lumapit sakanya, she’s beautiful.
Napatingin ako sa phone nya na nasa tabi nya. Oh. I have a plan. Kinuha ko yung cellphone nya at binuksan. Hinanap ko ang contacts nya.
“found it” bulong ko at binuksan ang contacts nya. Hinanap ko ang number ko.
“the fvck? Adik?” bulong ko, i don’t like that name. I changed it into ‘honey’.
“much better” bulong ko at ibinalik na ang phone nya sa tabi nya. Di ko mapigilang tumitig sakanya. Wait. Kinuha ko yung phone ko at pinicturan sya habang tulog.
HAHAHAHA! bumalik ako sa kama ko at tinitigan ang mga picture nya.
**************
Eli’s POV
“pa?”
“anak?”
“papa!”
“i miss you, papa”
“daddy, who is she?”
“pa, sino sya?”
“nothing, let’s go baby”
“papa!”
“pa, wag mo kong iwan”
“papa!”
“PAPA!” sigaw ko. Teka. Panaginip lang?
“Bakit?!” nagulat ako ng lumapit bigla si Kyle sakin. Halatang nag alala sya.
“what’s wrong?” tanong nya,
“wala” sabi ko at umiwas ng tingin sakanya. Gusto kong umiyak. Naiiyak ako kapag naaalala ko si papa. Asan na kaya sya? Okay lang kaya sya? Pero sino yung tumawag sakanya ng daddy?
“are you sure?” tanong ni Kyle at umupo sa kama na hinihigaan ko. Nag iintay sya ng sagot ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Siguro wag nalang muna.
“ayos lang ako” sabi ko,
***************
Don’t forget to like and follow me