Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 5
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 5 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 5: Fight
Eli’s POV
Malapit na kami sa classroom nang makaramdam ako ng kilig, hindi kilig dahil nakakita ng gwapo, kundi kilig na gusto umihi, naiihi nako,
“Kei?” tawag ko sakanya, lumingon naman sya sakin,
“una kana, punta lang ako sa banyo” sabi ko,
“I’ll go with you” sabi nya, pero umiling ako,
“wag na–” sabi ko,
“–alam ko naman kung nasaan, susunod nalang ako” sabi ko,
“are you sure?” tanong nya, tumango naman ako, tumango naman sya,
“careful” sabi nya saka naglakad papunta sa classroom, naglakad nadin ako para makapunta sa banyo, nadaanan kasi namin yun kanina eh, buti nalang nililibot ko paningin ko,
“asan na kaya yun?” bulong ko, nililibot ko padin ang paningin ko ng makita ko ang sign na ladies bathroom na may arrow, pumunta ako dun at pumasok sa bathroom ng babae, ang linis naman, pumasok ako sa isang cubicle, at jumingle,
“i heard there’s a new tranfery” dinig kong sabi ng isang babae,
“yeah, her name is Eli, Elijah Gonzales” sabi nung isa pang babae, parang pamilyar yung boses ng babae,
“i heard you got slapped by Keilah” sabi nung babae,
“shut up, it’s Eli’s fault” para talagang pamilyar yung boses, teka sino ba sinampal ni Kei kanina? Teka. Si babaeng paso ba yung nandito?
Kinuha ko yung phone ko at inilapag sa sahig, kitang kita sa reflection ng cellphone ko na si babaeng paso nga at isang babae,
Anak ng patola talaga! Sinisisi sakin ang kasalanan nya?
“So, what are we gonna do?” tanong nung kasama nya,
“I’ll kill that b*tch” sabi ni babaeng paso, inintay ko munang matapos sila mag usap.
Nang mapansing wala na sila, kinakabahan ako sa mangyayari pero mas kinabahan ako dahil nagulat ako ng may biglang kumatok sa cubicle kung nasan ako,
“anak ng tipaklong!” sigaw ko,
“are you done?” tanong nung babaeng kumatok, hala?! Anong gagawin ko, Eli kasi kape ng kape eh!
“o-opo” bulong ko, at dahan dahang binuksan ang pinto,
“faster” sabi nung babae, lumabas ako ng cubicle, tiningnan ko kung nandito pa sila babaeng paso saka yung babaeng kasama nya, pero wala, buti nalang wala, lumapit ako sa lababo para mag hugas ng kamay, nagulat ako ng lumabas si babaeng paso sa isang cubicle,
“patay” bulong ko,
“oh look who’s here” sabi nung babaeng paso, napaatras ako dahil papalapit sya sakin, tatakbo na sana ako ng mabangga ako sa isang babae,
“is this Eli?” tanong nung babae, tiningnan ko yun, anak ng…… Sya yung kausap ni paso kanina, ang malas ko talaga!
“yes, Eli the attention seeker” sabi nung babaeng paso, itinulak ako nung babaeng kasama nya, dali dali namang hinablot ni babaeng paso ang buhok ko, nakaramdam ako ng hapdi dahil sa sobrang higpit ng kapit nya,
“aray” sabi ko at pinipilit tanggalin ang pagkakahawak nya sa buhok ko,
“you’re just new here” sabi nung kasama ni paso, saka hinawakan ang kamay ko,
“this is your chance Nicole” sabi nung kasama nya, ngumiti ng nakakaloko si paso, nang mapansing sasampalin nya ako ay nagpupumiglas ako dahilan para makawala ako, pero hindi sa mahabang panahon dahil na higit ulit ni Nicole ang buhok ko,
“trying to scape?” asar nya, dali dali nya akong pinagsasampal paulit paulit,
“tama na!” sigaw ko, pero patuloy padin sya.
“this isn’t enough!” sigaw nya at sinampal ako ng sobrang lakas na naging dahilan para makapagpatigil sakanya, nabitawan nya ako dahil sa sampal na yun,
************
Don’t forget to like and follow me