Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 55
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 55 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 55: Girls Out
Kei’s POV
sabado ngayon kaya pupuntahan ko sila Eli at yayayain para gumala. Nagtataka lang ako dahil kasama si Kyle. He wants to join a girls hang out. It’s odd. But still, pumayag ako na sumama sya. Duh! Para mas mapalapit sila ni Eli. O baka nga si Eli talaga ang dahilan kung bakit sya sumama.
Nasa tapat na kami ng bahay nila Eli,
“ako nalang ang susundo ha, dito ka nalang” sabi ko, tumango naman sya. Mag kagalit kasi si Matt at Kyle kaya mas okay na wag muna silang mag kita.
Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa bahay nila Eli,
“hiiiii” bati ko kay Matt, sya kasi agad ang nakita ko pagpasok ko.
“hi” bati nya at pinagpatuloy lang ang pag huhugas ng mga pinggan. Dumiretso ako sa kwarto ni Eli, pero wala sya. Pumasok ako at tiningnan kung nasaan sya. Pero wala sya sa kwarto nya.
“where is she?” bulong ko at lumabas ng kwarto nya, sakto namang kalalabas lang ni Jasmine sa kabilang kwarto.
“Keilah” bati nya, nakita kong kasabay nyang lumabas sa kwarto si Eli. Nagulat ako dahil naka make up sya. She look so gorgeous.
“let’s go” sabi ko,
“where?” tanong ni Jasmine,
“girls out” sabi ko,
“ohhh, i like that. Tara” sabi ni Jasmine,
“di na muna ako sasama, dito nalang ako” sabi ni Eli,
“nope, kasama ka” sabi ko, at lumapit sakanila,
“kasama natin si Kyle” sabi ko, ngumiti kami ni Jasmine at nag apir.
“tara” sabi ni Jasmine,
****************
Eli’s POV
nasa kotse kami ngayon ni Kei, nag tataka ako kung bakit kasama tong si Kyle. Girls out nga bakit may kasamang lalaki?
“kain muna tayo, nagugutom ako. Kayo ba?” tanong ni Ate,
“ako din nagugutom” sabi ko at tumingin kay Kyle,
“yeah, me too” sabi nya,
“saan tayo kakain?” tanong ni Kei,
“kahit saan” sabi ko,
“Takahashi Prime, masarap dun” sabi ni Ate, Takahashi? Bakit parang pamilyar? Saan ko ba narinig yun?
“Takahashi Prime?” tanong ni Kei,
“oo, alam mo naman siguro yun diba? Pinakasikat na japanese restaurant yun dito sa pilipinas” sabi ni Ate,
“hmm. Mukang marasap dun” sabi ko,
“o-okay” sabi ni Kei,
“yum, yum” dinig kong sabi ni ate, masarap nga siguro dun. Puro fast foods lang ako eh. Pero bakit narinig kong yung takahasi? Saan ko nga ba narinig yun? Di ko maalala. Di pa naman ako nakakakain dun pero bakit pamilyar sakin?
**************
Don’t forget to like and follow me