Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 59
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 59 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 59: Sweet
Kei’s POV
kanina ko pa napapansin na tahimik ‘tong si Kyle at si Eli, ano kayang nangyari kanina? Bakit parang ang awkward nila sa isa’t isa? Di kaya nag kiss sila?! Oh my god!!!!
***************
Eli’s POV
Tanginaaaaaaaaaa! Ang awkward! Bakit kasi kaylangan pang sabihin yun?! Di naman ako bagay na pwede nyang angkinin! Jusko!
By the way, papunta na kami ngayon sa mall para mag shopping! For sure libre na naman ako ng dalawang babaitang ‘to. Syempre mapepera sila. Minsan talaga buraot ako eh. Nahihiya naman ako minsan!
**************
“we’re hereeeeeeeeee” excited na sabi ni Kei at ipinarada nya ang sasakyan.
“wait lang” sabi ni Kyle at bumaba, umikot sya at binuksan ang pinto na lalabasan ko. Jusko.
“wag mo na kaya akong buhatin” sabi ko,
“mahihirapan tayo” sabi ni ate,
“oonga, yaan mo ng buhatin ka ni Kyle” sabi ni Kei at nagtinginan sila ni Ate. May matching taas taas pa ng kilay ang dalawa. Jusko!
Tumingin ako kay Kyle at huminga ng malalim, inilagay ko ang kamay ko sa balikay nya. Binuhat nya naman ako pero nagulat ako dahil sa sobrang lapit ng muka namin sa isa’t isa.
Takteeeeeeeeeeee! Ang gwapong nilalang!!!!!
“so-sorry” sabi nya at binuhat ako ng maayos, isinara ko ang pinto at sumunod kami kila Kei,
Jusko. Bakit ganito lagi ang eksena? Lagi akong buhat ni Kyle. Nakakahiya na tuloy sa tao. Feeling ko kaya ang bigat bigat ko. At least di ako nakamaikli ngayon. Naka track pants kasi ako ngayon at white t-shirt.
**************
Kanina pa kami naglalakad at feeling ko pagod na si Kyle,
“umupo muna tayo” sabi ko sakanya, pero di nya ako pinansin.
“alam kong mabigat ako kaya pwede mo akong ibaba” sabi ko, tumingin naman sya sakin at naghanap ng mabababaan ko.
“anong nangyari?” tanong ni Kei,
“dito muna kami, bumili muna kayo ng gusto nyo. Muka kasing pagod na si Kyle” sabi ko, ngumiti naman ng nakakaloko si Kei.
“shige dyan muna keyoh” pabebeng sabi nya, hala. Nabuwang na. Umalis sila ni ate para bumili ng kanya kanya nilang gusto. Sana di nila ako makalimutan. HAHAHAHAHA.
“you want ice cream?” tanong ni Kyle,
“libre mo ba?” tanong ko,
“yup, what flavor?” tanong nya, yown! Libre din ako nito. Napakaswerte mo ngayon Eli.
“chocolate” sabi ko,
“wait for me” sabi nya at pumunta sa bilihan ng ice cream, malapit lang naman at kitang kita ko sya kaya ayos lang.
Maya maya pa ay dumating sya dala dala ang chocolate ice cream at vanilla ice cream na nasa cup.
Inabot nya yun sakin at umupo na ulit sa tabi ko,
“salamat” sabi ko at nilantakan yung ice cream,
“favorite mo?” tanong nya, tumango naman ako dahil may ice cream sa bibig ko.
“tell me more about yourself” sabi nya,
“Mahilig ako sa mga sweets, like chocolate, gummy candies, cake, basta sweet gusto ko–” di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng mag salita sya.
“like me” sabi nya,
dug dug dug dug dug dug dug dug
**************
Don’t forget to like and follow me