Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 61
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 61 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 61: Gummy Candies
Eli’s POV
749 ang highest score! Bakit parang di nya mahahabol ‘to? 527 palang score ni Kyle. Jusko! 749 yung pinakahighest! Last na ‘to! Makisama ka!
4…..3…..2……1!
Nagsimula na ulit syang mag shoot. Teka. Bakit sunod sunod? Ang galing! Puro 3 points.
Napa-palakpak naman ako. Syempre nakakaexcite kasi libre nya ako. ANYTHING I WANT! Hmmm. Ang sarap ng gummy candiesssss. Kitkatttttttt. French friessssssss. Basta! Kukunin ko lahat ng gusto ko. Minsan lang mangyari ang ganitong araw. Kaya susulitin kona.
Meron pa syang 1 minute at 740 na ang score nya. Konti nalanggggggg!!!
Tumingin sya sakin at tumigil sa pagshoot ng bola. Napatigil ako sa pagpalakpak.
“anong ginagawa mo?” tanong ko,
“I’ll buy you anything. Kaylangan mong makahighest score” sabi nya. Takte. Wala akong magagawa, tumayo ako at kinuha yung bola. Sayang ang oras! Hinagis ko ng hinagis yung bola pero walang nagshoshoot.
“juskoooooooooo!” sigaw ko,
Kyle’s POV
she’s so cute. She so desperate and want me to buy anything she wants.
She keep trying.
“ahhhh! Magshoot ka!” sigaw nya. Napatawa nalang ako sa inaasta nya ngayon. Para syang bata HAHAHAHA.
*************
Eli’s POV
last na! 746 na ang score! Konti nalang!!!!!
5……4…….3……2……..1. LOSE!
Nabitawan ko ang bolang hawak ko. Isa nalang. Feeling ko naglaho lahat ng gusto kong bilhin.
“sayang” paiyak kong sabi. SAYANG YUNG MGA GUSTO KONG BILHIN!!!! PUNYETA KANG KYLE KA!!! tiningnan ko sya ng masama. Nakangiti naman ang siraulong ‘to.
“nakangiti kapa, talo na nga!” sigaw ko at binato sya ng bola.
“HAHAHHAHAHA!” tawa nya,
“hala, baliw” bulong ko,
“HAHAHAHAHAHA!!!!” tawa nya, bakit ang cute nya kapag natawa? Teka. May dimple sya? Meron nga! Hala ang gwapo nya. Takte! Ano na namang iniisip ko?!
dug dug dug dug dug dug dug dug
Yung puso ko! Bakit ganito kana naman?!
“let’s go, I’m gonna buy anything you want” sabi nya at binuhat ako. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Jusko!
****************
Kei’s POV
nasa watson kami ngayon ni Jasmine at namimili ng girl things. Make up syempre.
“sila Eli ba yon?” napatingin ako kung saan nakatingin si Jasmine. Napatitig ako sa tinuro nya.
“sila nga” sabi ko at pupuntahan sana sila ng higitin nya ako,
“wag mo na abalahin, muka namang may sarili silang mundo” sabi ni Jasmine, oonga ‘no? Tama tama. Haha! Mahuhulog din kayo sa isa’t isa.
****************
Eli’s POV
Gummy store? Bakit nandito kami?
“grab anything you want. I’ll pay for it” sabi nya, tiningnan ko sya ng may pagtataka. Talo naman ako pero ibibili nya padin ako?
“the deal is every round. I won 5 rounds. Now grab anything you want and I’ll pay” sabi nya,
“ayaw mo?” tanong nya. Bigla naman akong natauhan at kumuha ng pinakamalaking bucket. Kinuha ko lahat ng uri ng gummy candies. At iba pang mga candies kagaya ng nerds, skittles etc.
“5……4……3…….2……..1…. Time’s up” sabi nya, tumigil naman ako sa pagkuha at inabot sa counter yung bucket na may lamang mga candies.
“1200 po” nagbayad si Kyle at inibalot nung babae yung gummy candies ko. Ohhh…yum yummmm…..dami ko na namang candies.
“is that enough?” tanong nya. Whatttttt?! Pwede pa akong mamili? Teka. Parang napapasobra na ako. Tama na siguro ‘to. Isang malaking bucket naman ang binili nya eh.
“tama na ‘to, tara na kila Kei. Baka hinahanap na kayo” sabi ko, kinuha nya yung dala dala ko at inabot sa isang lalaki.
“escort us” sabi ni Kyle at binuhat ko, nagsimula na syang maglakad at sumusunod naman samin yung lalaki. Like what?!!!!! Bakit parang ang haba ng araw na ‘to?
****************
Don’t forget to like and follow me