Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 7
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 7 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 7: Promise me
Eli’s POV
Nasa clinic ako ngayon at may yelo sa muka,
“what happened?” dinig kong sabi ni Timothy, kakadating palang nila ni Kyle,
“Its Nicole as usual” sabi ni Kei,
“why didn’t you fought back?” tanong ni Kyle,
“kasi–” di pako natatapos ng magsalita si Kei,
“she did!–” sigaw nya,
“–when I came, I saw Nicole on the floor holding her Cheeks” sabi nya,
“so you fought back?” tanong ni Kyle, tumango naman ako,
“it’s okay, you did great” sabi ni Kyle,
“no one has ever fight her, you’re the only one” sabi ni Kei,
“argh! I’ll kill her!” napatingin kami sa babaeng sumigaw, si babaeng paso. Napatigil sya nang makita kami, napansin kong tumingin sya kay Kyle,
“aw, Kyle” eto na naman sya, nag iinarte na naman, lumapit sya kay Kyle at pumulupot na parang ahas,
“she slapped me” maarteng sabi nya at tinuro ako, tinanggal ni Kyle ang kamay ni babaeng paso sa braso nya,
“its okay, you deserved it” sabi ni Kyle at umalis, sumunod naman si Timothy sakanya,
“argh!” sigaw ni babaeng paso,
“it’s all your fault” sabi ni Kei, tumingin na naman ng masama sakin yung paso, anak ng…..ako na naman may kasalanan? Kasalanan ko ba yung katangahan nya. Pero dahil baliw ako, dinilaan ko sya, kita namang napikon sya dahil padabog na lumabas, HAHAHAHAHA! Nice one Eli,
“if ever na Nicole hurt again, fightback, okay?” sabi nya, napatigil ako sinabi nya, lalaban ba ulit ako? Magsisimula na naman ba ako ng gulo?
“promise me Eli” sabi ni Kei, ngumiti ako at umiling,
“nangako ako sa Mama ko na hindi nako mag sisimula ng away, kaya sorry Kei, pero di ko mapapangako” sabi ko,
“you didn’t start any fight, Nicole started all this sh*t, you’re just fighting back” sabi nya,
“do you want to be a loser?” tanong nya, umiling lang ako, lahat naman ata ng tao ayaw maging talunan,
“then fight” sabi nya, napaisip ako sa sinabi nya.
Tama. Siguro lalaban lang ako kapag nasaktan na ulit ako. Pero Eli. Wag na wag kang mag sisimula ng away. Kaya mo yan Eli.
*kringggggg
“let’s go” sabi ni Kei,
“saan?” tanong ko,
“basta” sabi nya at hinigit ako,
Kinuha namin ang gamit namin sa classroom,
“where are you going?” tanong ni Timothy,
“secret” sabi ni Kei at dumiretso lang kami,
Pumunta kami sa car park ng School, sa sobrang lawak ng School na ito, pagod na ako kakalakad,
“hop in” sabi nya, kotse nya ba to?
“sakay na” ulit nya, sumakay ako sa passenger seats, sumakay nadin sya at nagsimula ng mag drive,
“saan tayo pupunta?” tanong ko,
“sa Mansion namin” sabi nya,
“Mansion? Sa bahay nyo?!” tanong ko,
“oo, basta manahimik ka muna” sabi nya, anong gagawin ko sa bahay nila? Patay ako kay Mama nito. Lalo na kay Kuya, kung magalit pa naman yun parang bulkan, magdasal ka Eli.
*************
Don’t forget to like and follow me