Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 88
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 88 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 88:
Eli’s POV
“ingat ka” sabi ko kay Kanji, umalis na sya kaya pumasok nako sa bahay.
“anong nangyari sa date nyo?” nagulat ako ng biglang may magsalita. Si kuya pala,
“kakagulat ka naman kuya” sabi ko,
“so, what happened?” tanong nya at tumayo.
“kumain lang kami at pinakilala nya ako kay Mizu” sabi ko,
“what? Patay na si Mizu. How can–” hindi kona sya pinatapos.
“pumunta kami sa sementeryo, okay?” sabi ko,
“okay, magbihis kana” sabi nya, umakyat na naman ako sa kwarto ko para magpalit.
Habang nagbibihis may nahulog galing sa damit ko,
“ano ‘to?” bulong ko at kinuha yun. Yung picture ni Mizu. Umupo ako at tinitigang mabuti yung picture nya. Ang simple nya. Maiksi ang buhok nya at ang ganda nya. Kaya naman pala nagustuhan sya ni Kyle. Wait what?! Bakit ko naman naisip yun? Ibinaba ko ang picture ni Mizu at nagbihis nalang.
***************
It’s sundayyyyyyy…… Walang ganap. Nakakaboring na dito sa bahay.
Kakaligo ko lang at nanunuod ako ng mga pageant pageant ulit syempre.protektado ako nila Kei kaya gusto kong manalo. Sila na nga ang bahala sa lahat tapos matatalo, nakakahiya ng sobra yun. Magpractice kaya ako? Tutal kaya ko naman. Tama, magpapractice nalang ako maglakad.
Pumunta ako sa cabinet ko at kinuha yung bag na binigay sakin ni Kei, yung may laman na pang keme keme sa babae. May nakita kasi akong mga heels dito.
“ang tataas naman” bulong ko, kinuha ko yung may pinakamaiksing heels. 3 o 4 inches ata ‘to. Isinuot ko yun sa paa ko at nag try lumakad. Inaalala ko lahat ng sinabi sakin nila Kei dati.
Tuwing lalakad, lagi iuuna ang bewang.
Naglakad ako ng dahan-dahan ang sinubukang iuna ang bewang.
“ang hirap naman” bulong ko, sinubukan ko ulit maglakad ng dahan-dahan at iuna ang bewang.
“okay, okay” sabi ko at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Pabalik balik ako sa magkabilang sulok ng kwarto ko para matutunan kung paano lumakad.
“kaya na, pwede na siguro yun” sabi ko, pinunasan ko ang pawis ko at huminga ng malalim.
Kapag ngingiti ka, lagi mong itutupi ang dila ko to have a perfect smile.
Okay, okay. Itinupi ko ang dila ko at ngumiti. Sinabayan ko din iyon ng lakad. Ilang beses kong ginawa para makuha ang magandang aura.
*****************
Jasmine’s POV
Parang di nalabas ng kwarto si Eli,
“ano kayang ginagawa nya?” bulong ko at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto nya,
Naglalakad sya? Wait. Nag momodel sya! May suot syang heels at nakangiti sya.
“AHA!” sigaw ko, halata namang nagulat sya kaya napaupo sya sa kama nya,
“what are you doing?” tanong ko, pumasok ako at sinaraduhan ang pinto ng kwarto nya.
“nagpapractice lang ako, wala kasi akong magawa” sabi nya,
“well then, magpractice kana at tuturuan kita” sabi ko at umupo sa kama nya, tumayo sya ulit at nagsimulang lumakad.
***************
Don’t forget to like and follow me