Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
My 3 Step Brothers Got My Virginity - Chapter 37
You are reading My 3 Step Brothers Got My Virginity Chapter 37 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of My 3 Step Brothers Got My Virginity next time when you come visit our manga website
- Home
- All Mangas
- My 3 Step Brothers Got My Virginity
- Chapter 37 - “MY 3 STEP BROTHERS GOT MY VIRGINITY”EPISODE 37
This Chapter Is Dedicated To: Gerlie Doria
__________
Cess’s POV
Lumapit sa’kin si chantel na masama ang tingin, at ilang sandali pa bigla nalang niya’ko binangga ng walang dahilan napabusangot ako pero sya ay napangisi lamang…
Pati ba naman dito naghahanap sya ng away?! Tsi! Hindi porket family niya ang may-ari ng university na’to, ibig sabihin nun hindi ko na sya papatulan. Aba! Pa-salamat sya dahil nakagown ako kundi baka na-resling ko na sya kingina!
Pagkatapos nun umalis nalang sya ng parang wlng nangyari…
“Problema nun?!”-mahinang sambit ko sa hangin
“And pls welcome the last contestant”-intro ni baklang host
Whooo! This is it!
“Kaya mo yan cess, gayahin mo lg yung ginawa ng ibang contestant”-pagc’cheer ko sa sarili ko
Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan pero pagdating sa pangatlong hakbang, binangga ako ni chantel at sya ang naglakad papuntang stage instead na ako.
“Ano bang ginagawa niya?!”-iritadong tanong ko sa sarili ko
Marahan syang pumulupot kay kuya tyler na nagyon ay lubos ang pagtataka…
*Tyler’s POV*
“Umalis ka nga dito! Your not my partner”-pabulong kong sabi kay chantel
“Hold my waist tyler”-malandi nitong sabi na mas lalo kong ikinagalit
“Stop pretending, we’re close…”-sarkastikong pagkakasabi ko
“I said! Hold my waist”-sigaw niya na alam kong narinig ng marami, kaya humawak ako sa baywang niya pero mahigpit yun at binaon ko ang kuko ko.
“Ahhh!”-daing niya na kinangisi ko ng husto
Nadapo ang tingin ko kay cess, kaya sinenyasan ko sya na lumapit. Sinunod naman niya ako…
“Chantel! Ako ang ka-partner niya hindi ikaw!”bulyaw nito at hinila si chantel papalayo sa’kin
“Anong nangyayari?!”-pagtataka ng mga judges
Habang yung host ay hindi alam kung anong gagawin…
“Are you blind? I’m his partner, look…”-sabay turo ni chantel sa side ng gown niya na may nakalagay na numero
“P-paano napunta sayo ‘yan?”-galit na tanong ni cess
“Don’t tell me chantel, ninakaw mo sa kanya yan?!”-inis kong tanong
Lumapit ito sa’kin at bumulong…
“What if…yes?!”-sagot niya at tiningnan ako ng malagkit
Binigyan ko naman sya ng death glare pero tila balewala lang sa kanya, at humawak pa sa braso ko atska niya’ko hinila para maglakad sa harapan ng maraming tao.
“Chantel! Why are you doing this?!”-pabulong na tanong ko
Gusto ko man tumanggi, pero nakakahiya sa mga judges at baka dahil sa’kin magulo ang pageant na’to.
Nahagilap ko pa si cess na nakatayo lang at mangiyak-ngiyak na nakatingin sa’min.
*Back To Cess’s POV*
Bakit si chantel yung naging ka-partner niya?! Dapat ako diba?!
Lumingon sa’kin si chantel at nginisian ako…
Hayyy ano pabang ginagawa ‘ko dito?! Dapat umalis na’ko dapat magback out na’ko!
Kaya akmang baba na’ko ng stage ng nang may humigit sa kamay ko, at pagkaharap ko…nakita ko si kuya tyler na seryoso ang tingin sa’kin. Hinila niya’ko papunta sa front.
At hinawakan ang magkabila kong kamay at sya mismo ang nagpatong nito sa balikat niya, marahan niya naman akong hinawakan sa baywang. Samantalang si chantel ay nakatingin sa’min ng masama.
“I told you, ako bahala sayo”-bulong nito at ngumiti sa’kin kaya nginitian ko lang sya
Bigla nalang nagwalk out si chantel ng mangiyak-ngiyak…
Then pagkatapos ng first post namin, nagmodel na kami sa harap ng maraming tao pati narin sa mga judges.
Pagkarating sa unahan. Hinigit ni kuya yung baywang ko at dinikit sa kanya wala akong magawa kundi ang ngumiti ng pilit at mapatitig kay kuya samantalang sya ay confidence na confidence.
#YanAngKuyaKo!
At si chantel jusq baka sumabog na yun sa galit…
»»»»»
To be continued.