Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
My 3 Step Brothers Got My Virginity - Chapter 55
You are reading My 3 Step Brothers Got My Virginity Chapter 55 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of My 3 Step Brothers Got My Virginity next time when you come visit our manga website
- Home
- All Mangas
- My 3 Step Brothers Got My Virginity
- Chapter 55 - “MY 3 STEP BROTHERS GOT MY VIRGINITY”EPISODE 55
__________
Cess’s POV
“Ang bigat ng kamay mo!”-reklamo ko.
“Tss, sadyang pandak ka lang.”-pangaasar nito at ngumisi.
“Kuya grabe ka ah, ano’to personalan?!”- inis ko namang sabi.
“Tumahimik ka nalang!”-iritado niyang tugon at mas lalo niya’kong dinikit sa kanya.
Hindi siya ganto nung mga nakaraan, pero mas mabuti na rin ‘to para naman maging close na kami sa isa’t isa bilang magkapatid.
“Cess, may gusto–
Pinutol ko ang sasabihin niya kaya napahinto ito sa pagsasalita, “Si bunso ako hindi si cess *pout* “
“Si cess ka pero tawag ko sayo ‘bunso’ kaya wag kang ganyan.”-ani niya at nginisian ako.
“Oo na, ano ‘yung sasabihin mo?”-medyo inis kong tinig.
“May gusto ba sayo si dominic?”-walang emosyong tanong niya at binaling ang tingin sa’kin.
Hindi ko alam kung paano niya nakikila si dominic, pero sigurado ako na nagkausap na sila ng isang beses. Medyo natulala ako sa mga mata niyang mapupungay.
Nagising na lamang ako sa aking huwisyo ng pitikin niya ang noo ko, “Tinatanong kita, may gusto ba sayo si dominic?”-pag-uulit niya.
Unti-unting nagthrowback sa aking isipan ang kabastusan na ginawa sa’kin ni dominic, kaya hindi dapat malaman ni kuya iyon dahil sigurado ako na may gagawin itong hindi maganda.
“Ano ka ba kuya, sino naman nagsabi sayo niyan?!”-maang-maangan ko sabay iwas ng tingin.
“Tsk, you can’t fool me– so tell me the truth.”-wika niya na may pagka-maldito.
“Magkaibigan lang kami promise.”-tinaas ko pa ang kanang kamay ko sa ere.
“Wait what?!”-galit na may halong gulat niyang pagkakasabi.
“B-bakit?!”-utal ko namang bigkas.
“Ang tinatanong ko ‘may gusto ba sayo si dominic’ so bakit ang sagot mo ‘magkaibigan lang kayo'”-takang saad nito, at pinagmasdan ako ng may pagdududa sa mga mata.
“A-ano ba kuya, wag mo ko tingnan ng ganyan– hindi iyon ang ibig kong sabihin.”-tugon ko dito.
Hindi ko maiwasang maging balisa dahil tama nga siya, mali ang pagkakasagot ko hayst wala na naman ako sa sarili ko.
“Tumingin ka nga sa mga mata ko!”-may kalakasang sambit niya.
Dahan-dahan kong binaling ang tingin sa mga mata niya, jusq para’kong natutunaw na ice cream sa kabila ng pagsisinungaling ko sa kanya.
“Gusto ka ba ng lalaking iyon?”-patuloy niya.
Ponyeta hindi ko alam ang isasagot ko, kung sasabihin ko sa kanya na may gusto sa’kin si dominic baka nga bugbugin niya o kaya patayin omg!
#Aligagamode
“Kuya wala siyang gusto sa’kin, sa totoo lang– ako ang may gusto sa kanya.”-sagot ko na may kaba sa dibdib.
Nagsimula namang magpinta sa kanyang mukha ang pagkagulat kasama na do’n ang hindi makapaniwala. Iyon na lamang ang tanging paraan na aking magagawa.
Naramdaman ko nalang na mas binigatan niya ang pagkaka-akbay sa akin, “Kuya naman eh, mas lalo ako nitong mababansot!”-reklamo ko at bumusangot.
Bumaling ang tingin niya sa’kin, “Ang panget mo diyan, kaya wag ka ng magreklamo– tara na.”
“Kuya ang panget mo din diyan, kaya wag kanang masungit.”-tugon ko na may halong pang-aasar.
“Tsk! Auh ganun?!”
Bigla niya’kong binuhat na parang sako sa balikat niya, “Kuya! Ibaba mo ko baka may makakita sa’tin dito!”-sigaw ko at pinaghahampas ang likod niya.
“Ginusto mo ‘yan!”-tatawa-tawa niyang sabi.
“Sorry na nga eh– ang cute mo kuya walang halong katotohanan.”-bulyaw ko na medyo natatawa na rin.
Nang dahil sa sinabi kong ‘yun ay tinanggal niya ang suot kong sapatos at kiniliti ang talampakan ko.
“Kuya!!! Hahaha t-tama na, ang cute mo na hahaha sobra kuya!!! Ibaba mo na’ko!”-panay tawa kong sigaw at patuloy pa rin pinaghahampas ang likuran niya.
“Shut up, nag-eenjoy pa’ko haha.”-sambit niya na humahagalpak na rin ng tawa.
Sa pagpipiglas ko ay para na’kong uod na hindi mapakali, tawa, iyak at inis ang naghahalong emosyon sa aking mukha.
“Hoy! Magsi-tahimik nga kayo, ang iingay akala mo sila lang tao sa paligid!”-sigaw ng isang ale na dumungaw sa bintana.
“Kuya tama na kasi, ibaba mo na’ko.”-pabulong ko tinig.
Binaba naman niya’ko, “Happy?”-mapang-asar niyang tanong.
“Hindi! Akina ‘yang sapatos ko, baka madumihan pa’tong medyas ko.”-wika ko at akmang aagawin ko na sa kanya ‘yung sapatos nang ibaling niya ito sa ibang direksyon.
“Kuya!!! King ina akina ‘yan.”-inis kong sabi at tinapunan siya ng masamang tingin.
Hinablot ko ‘yun pero muli niyang iniba ng direksyon, at sa pagkakataong ito ay tinaas na niya sa ibabaw ng kanyang ulo.
Suminghal ako at pilit na inabot iyon, “Haha ang cute mo para’kang minions.”-pang-aasar niya at tumawa, hindi ko alam kung bakit ako kinilig amp. malala na ‘ata ako.
“Sadyang matangkad ka lang!”-inis kong tinig at patuloy na inaabot ‘yon, tumalon-talon pa’ko at abot kayang binababa ‘yung braso niya pero para’kong langgam na nagp’plano na pumunta ng buwan.
Ngunit sa isang maling galaw ko ay bigla na lamang nagkadikit ang katawan namin, napahawak ako sa balikat niya at ang mga mata namin ay parang connected dot’s na pinag-connect.
Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa’kin samantalang ‘yung sapatos ko naman ay binagsak niya sa lapag.
Hindi ko din alam kung bakit hindi matanggal ang magkabila kong kamay sa balikat niya, feeling ko kase ang awkward kapag gumalaw ako.
Iniangat niya ang dalawa niyang kamay, “Kuya…”-mahina kong tinig at pinagmasdan siya.
Ang akala ko ay hahawakan niya ang pisngi ko at hahalikan ako sa labi kaya napabitaw na’ko sa kanya.
Pero mali ang inaakala ko, bigla niyang pinisil ang magkabila kong pisngi, “Ahh!!!”-sigaw ko.
Pagkatapos niyang gawin ‘yon, kumaripas siya ng takbo papalayo sa’kin, “Kuya busit ka talaga!!!”-sigaw ko pa.
Kinuha ko ‘yung sapatos ko at mabilis ‘yon sinuot atsaka ko hinabol si kuya. Ngunit pagdating sa hindi kalayuan ay parang naglahong bula si kuya.
“‘Asan na ‘yon?”-pabulong kong tanong sa sarili ko at napamasid-masid sa paligid.
“Kuya?!”-sigaw ko, nilibot ko din ang kasuluk-sulukan ng mga iskinita pero wala talaga siya.
“Sa’n nagpunta ‘yon?!”-napakamot na lamang ako sa buhok ko at muling naglakad-lakad.
At pagkarating ko sa isang kalye biglang sumulpot sa harapan ko si kuya dahilan para mauntog ako sa kanyang dibdib kaya’t pareho kaming natumba.
Shocks ang mga labi namin ay nagdampi, at ang ilong ko naman ay halos maging pango dahil sa sobrang lakas ng puwersa ng pagkatumba namin.
King ina! Sobrang diin ng pagkakalapit ng mukha namin hindi na’ko makahinga, “S-sorry kuya!”-tumayo ako pero bago pa ‘man ako makatayo, hinila niya ang kamay ko pabalik sa kanya.
“No, stay like this!”-medyo husky voice niyang tinig na nagpablush sa’kin ng sobra.
Bushet umayos ka cess, argh parang giniginaw ako ‘yung mga kamay ko nanlalamig na wth?! Bakit ako nagkakaganto?!.
*Zach’s POV*
“Oh here’s your dinner.”-mataray na bigkas ni chantel at padabog ‘yung binigay kay chantal.
“Easy lang baby, baka ma-stress ka niyan.”-sambit ko naman.
“I’m stress na baby, can you kiss me?”-tugon nito at lumapit sa’kin, ngumuso pa ito.
Nahagilap ko na napasulyap si chantal sa’kin, nilingon ko ito pero agad siyang umiwas.
Tsk! Selos na naman siya, “Baby please?!”-sambit pa ni chantel.
“Sige baby”-tipid kong sagot at hinawakan ang pisngi niya.
Sa noo ko siya hinalikan instead na sa labi, “Sa lips puwede?!”-wika pa nito, muli akong tinignan ni chantal.
“Sa date nalang natin bukas, gusto mo mas higit pa do’n.”-kagat labi kong sabi.
Bigla namang nalaglag ‘yung baso na hawak-hawak ni chantal, “S-sorry, do’n nalang ako kakain.”-saad niya at binitbit ‘yung pagkain niya paakyat sa kwarto niya.
Napasmirk ako dahil natutuwa ako na nakikita siyang nagseselos, ang sarap sa mata.
“Baby kiss mo na’ko please?!”-wika naman nito at muling ngumuso.
“On your face!!!”-mataray kong tinig at binangga siya bago lumabas ng pinto.
“Wait baby!”-sigaw niya at hinawakan ang puro muscle na braso ko.
“Don’t do ever to touch me such a big fvcking pig!!”-sigaw ko at hinawi ang kamay niya.
“So panggap-panggapan ka lang pala kanina?”-inis niyang tanong.
Nginisian ko siya bago sumagot, “Parang ganun na nga!”
»»»»»
To be continued.