Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 176
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 176 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 176: Failed Prank
Eli’s POV
“Ano ba kasing nangyari?” Tanong sakin si Mama. Wala pading malay si Kyle. Jusko hindi ko alam ang gagawin ko.
“Eh kasi…..” Sabi ko at umub-ob.
“Paano namin malalaman kung hindi mo sasabihin, anak” sabi ni mama.
“Elijah” seryosong sabi ni kuya. Tumunghay ako at tumingin sakanila.
“Ang creepy kasi ni Kyle” sabi ko.
“Creepy? Anong creepy? Elijah ano talagang nangyari?” Tanong ni Kei.
“Nung iniwan kami ni mama, ngumiti sya ng sobrang creepy tapos bigla nyang hinawakan yung paa ko. Natakot ako kaya nasipa ko sya. Hindi ko naman sinasadya na napalakas eh” paliwanag ko.
“HAHAHAHAHA!” tawa ni Kei. Luh anong trip nitong si Kei? natawa pa.
“Anong nakakatawa?” Tanong ko,
“He’s pranking you. Damn Kyle” sabi ni Kei at hinampas si Kyle.
“AHHHH!” sigaw ni Kyle. Hinipo nya ang mata nya. Teka. May blackeye!
“Hey, let’s go” sabi ni Kei kay Kyle. Bumangon si Kyle habang hawak hawak padin ng mata nya.
“Kyle, okay kana ba?” Tanong ni mama kay Kyle.
“Opo, pero yung mata ko” sabi ni Kyle at tumingin sakin. Agad akong umiwas ng tingin. Prank? Pero sinipa ko sya. At nagkablackeye!!!!! Ganon naba kalakas yung sipa ko? patay ako nito!!!
“Una na po kami, tara na Elijah” sabi ni Kei.
“Huh? Saan?” Tanong ko.
“Sa bahay, naadjust ang sched natin sa event kaya mag isip na tayo ng designs para sa boys at sa room. Let’s go” sabi nya at hinigit ako. Jusko! Bakit ganitooooo?
************
Kyle’s POV
Nilagpasan nya lang ako. Haha. Nahiya siguro sya.
“Alis na po kami” sabi ko at tumingin kay Matt.
“It’s just a prank. You know me, i would never do that. Especially to the girl i love the most” sabi ko at umalis na.
***********
Eli’s POV
nasa sasakyan kami at hindi ako makatingin kay Kyle. ISANG KYLE GOMEZ SINIPA AKO AT NAGKARON NG BLACKEYE! POTA.
“Hindi ba kayo mag papansinan?” Tanong ni Kei.
“She hit me. I won’t talk to her” sabi ni Kyle. Napatingin ako sakanya. Mag sosorry ba ako? Eh! Kasalanan nya rin naman kasi. Kung hindi nya ako tinakot di ko sya masasaktan. Jusko naman!!!!
************
“Manang Doray!” Sigaw ni Kyle. Lumabas si Manang Doray sa kitchen. Nanlaki ang mata nya ng makita ang blackeye ni Kyle. Tumakbo si Manang kay Kyle
“Sinong may gawa nito sayo?! SINO?!” Nagulat ako sa lakas ng sigaw ni Manang Doray. Ang pagkakaalam ko sya ang nagpalaki kay Kyle at Kei.
Tumingin sakin si Kyle.
“Nadapa Manang, nadapa” sabi ni Kei. At hinigit si Kyle. Sumunod naman ako sakanila.
“Ice Manang, and snacks. Sa guest room” sabi ni Kei at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nakakatakot naman dito. Bakit ba sumama pa ako sakanila? Teka nga. Hindi naman ako sumama ah! Hinigit ako ni Kei.
Parang lagi nalang akong hinihigit ah. Kaladkarin naba tawag sakin non? HAHAHAHA ang tanga mo Elijah.
***************
Don’t forget to like and follow me