Note: Upgrade your browser if you can't see the images.
Kazoku Series (Tagalog) - Chapter 250
You are reading Kazoku Series (Tagalog) Chapter 250 at mangacake.
Please use the Bookmark button to get notifications about the latest chapters of Kazoku Series (Tagalog) next time when you come visit our manga website
Chapter 250:
Eli’s POV
“Go go go!” Sigaw ni Kyle, nasa pang pang na kami ng royal island.
“Let’s go!” Sigaw ni Kyle at inalalayan kami isa isang bumaba.
“Let’s go Blue!” Sigaw ni Kanji, kasunod kasi namin sila. Nahuli sila Albert dahil bumagsak ang banana boat nila.
“Tara” sabi ni Kyle at hinigit ako. Tumakbo kami sa kung saan man.
“Doon tayo” sabi ni Kei, ang hirap tumakbo dahil sa buhangin. Hindi ko alam kung nasaan kami pero feeling ko private island ‘to.
Patuloy lang sa paghahanap habang tumatakbo.
“Ayun!” Sigaw ng isa naming kasama, ang taas naman. Nasa taas ng puno ang isang box.
“Kyle, up!” Sigaw ni Kei, nagposition ang isa naming kasamang lalaki. Ibinend nya ang mga binti nya at pinagdikit ang kamay sa pagitan ng hita. Bumwelo si Kyle at tumakbo papunta sa kasama namin, tumungtong sya sa kamay nito at sabay nilang ginamit ang lakas nila para makatalon si Kyle paakyat.
“Ahhh!” Sigaw ni Kyle at hinampas yung box, agad naming nasambot ito ni Kei, binuksan namin yun at nakita ang isang papel at tali. Ibinigay ni Kei sakin ang box at kinuha nya ang papel.
“Anong nakalagay?” Tanong ko,
“Coming together?” Sabi ni Kei.
“It’s okay, we found one” sabi ni Kyle,
“Let’s continue” sabi ni Kyle at naglakad, sumunod kami sakanya.
“Ako na po Ms. Kei” sabi ng isa naming kasama, inabot ko sakanya yung tali.
**************
3rd person’s view
“Kaya natin to, let’s go yellow!” Sigaw ni Albert at tinulungan isa isang bumaba sa banana boat ang mga ka teammates nya.
“Dun tayo” sabi ni Kim at tinuro kung saan pumunta ang red team.
“Wag tayo dyan, kung dyan din tayo lalo tayong walang makikita. Sa ibang daan tayo” sabi ni Tim,
“Oonga, tara” sabi ni Albert at tumakbo, sumunod naman sakanya ang mga kasama nya.
************
“Let’s go blue!” Sigaw ni Kanji,
“Aray!” Napatigil sila nang may sumigaw.
“Bakit?” Tanong ni Madi, nadapa ang isa nilang kasama at tumama ang tuhod nito sa malaking bato.
“It’s bleeding” sabi ng isa nilang kasama.
“Box” sabi ng isa nilang kasama at kinuha ang isang box sa likod ng bato kung saan tumama ang kasama nila.
“Akin na” sabi ni Kanji, ibinigay sakanya ang box at binuksan nya ito.
“Here, sakto may clean cloth” sabi ni Kanji at inabot kay Madi. Itinali ni Madi ang tuhod ng isa nilang kasama.
Kinuha ni Kanji ang papel sa loob ng box at inabot sa isang kasama ang box.
“And Working Together” basa ni Kanji sa nakasulat sa papel.
“Kaya mo pang maglakad?” Tanong ni Madi sa kasama nila. Tumango ito at sinubukang tumayo.
“Ahhh” sabi ng kasama nila.
“Hindi ko po kaya Ms. Madi, sobrang sakit po” sabi nya. Nagkatinginan sila Madi at Kanji para mag isip kung anong gagawin.
“We need to take her to Ms. Calinawan” sabi ni Kanji, tumango si Madi. Pinabuhat nila sa dalawang lalaki ang kasama nila.
“Let’s go” sabi ni Madi.
“No, you two take her to Ms. Calinawan, we must keep searching” sabi ni Kanji,
“Pe–” hindi na pinatapos ni Kanji ang isa nilang kasama.
“If we all go with them, wala tayong mahahanap na box” sabi ni Kanji, tumayo si Madi at humarap sa mga kasama
“He’s right, you guys go with her. Hanapin nyo nalang kami” sabi ni Madi,
*************
Don’t forget to vote and follow me